Advertisers
Arestado ang isang estudyante na tinaguriang High Value Target (HVT) nang makuhanan ng pinatuyong dahon ng marijuanan na nagkakahalaga ng halos P1.2 milyon sa National Highway P6 Brgy. Quezon, Isabela.
Kinilala ang suspek na si Krinkkle Dulliyao, 21-anyos na residente ng Purok 7, Brgy. Agbannawag, Tabuk City, Kalinga.
Sa ulat, nasamsam sa suspek ang isang kahon na naglalaman ng pitong piraso ng plastic na pinatuyong dahon ng marijuana at tinatayang may bigat na 10 kilo na may katumbas na halagang P1,200,000; isang piraso ng P500 (boodle money); 100 piraso ng P1,000; 49 na piraso ng P500 (boodle money); isang unit ng motorsiklo Honda XRM black at isang unit ng cellphone Oppo A18 black.
Pansamantalang nasa kustodiya ng Quezon Police Station ang suspek habang inihahanda na ang kasong may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Rey Velasco)