Datos ng mga residente sa Maynila, protektado – Mayor Honey
Advertisers
IPINAHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna na fully-protected na ang datos ng mga residente sa kabisera ng bansa.
Kasabay nito ay inanunsiyo ni Lacuna na nakuha na ng city government ang kanilang Seal of Registration mula sa National Privacy Commission (NPC).
Patunay lamang ito ng kanilang pagtalima sa pagbabantay ng privacy rights ng kanilang mga residente.
Nangangahulugan rin ito na ang Maynila ay nakapag-comply na sa registration requirements ng Data Privacy Act of 2012, mga Implementing Rules and Regulations nito at lahat ng mga related issuances.
Kaugnay nito, tiniyak ng alkalde na alinsunod sa naturang batas, ang pamahalaang lungsod ay magpapaskil ng Seal of Registration sa main entrance ng City Hall at iba pang lugar upang matiyak na ito ay kaagad na makikita ng lahat ng may transaksiyon sa lokal na pamahalaaan.
“We would like to assure our residents and stakeholders that the city of Manila is fully compliant and committed to safeguarding their rights to privacy and data protection,” ayon sa alkalde.
Inatasan na rin niya sina Data Privacy Office head Atty. Ava Sicangco at Electronic Data Processing chief Fortune Palileo na kaagad na i-display ang Seal of Registration ng city government sa kanilang online platforms, na madalas ring puntahan ng mga residente. (ANDI GARCIA)