Para maiwasan daw ang tensyon sa mga girls ni Raymart… Claudine mas pinili kaysa Jodi sa b-day bash ni Mr. M
Advertisers
Ni JIMI C. ESCALA
INAAYOS na ngayon kung sinong mga Kapuso stars ang makakasama sa “It’s Showtime “ . Ito ang pag amin ng isa sa mga host ng nabanggit na Kapamilya show na si Vhong Navarro.
Ayon kay Vhong ay pinag-uusapan na raw ng management kung araw-araw ay may Kapuso co-host or may mga ipapasok na regular host ng “It’s Showtime“.
Dagdag pa niya ay wala naman daw mawawala sa mga regular host ng nasabing noontime show kundi baka madagdagan pa, huh!
Sa interview pa rin kay Vhong sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay damang- dama pa rin daw nilang lahat ang kasiyahan sa nangyaring pagsasanib puwersa ng dating magkabangayang istasyon ang Dos at Siyete, huh!
“Talagang pinaghandaan naming lahat dahil napaka-espesyal ng papasukin naming bagong bahay,” sey pa ni Vhong.
Hindi raw naman maalis sa kanilang lahat ang magkahalong emosyon. Kumbaga yung feeling na parang imposibleng mangyari na ang programa nilang dating mahigpit na kalaban ng programang pangtanghali ng Kapuso network ay ang kapalit nito, huh!
“Siyempre, dalawa na ang channel na paglalabasan namin ngayon. Kumbaga, double na ang gagawin naming pagpapasaya sa madlang pipol at madlang Kapuso,“ seryoso pero nakatawang banggit ni Vhong.
***
SA mga nagtatanong kung bakit wala raw si Jodi Sta. Maria sa “Night of 100 Stars na ginanap sa Marriot Hotel ay may pahaging na kasagutan ang sikat na talk show host na si Ogie Diaz.
Ang nabanggit na okasyon na tribute ng Star Magic para kay Mr. Johnny Manahan ay dinaluhan ng mga naging anak-anakan ni Mr. M nung nasa ABS pa siya, huh!
Present sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Kathryn Bernardo, Claudine Barretto, Charo Santos, Kristine Hermosa, Kaye Abad, John Lloyd Cruz, Julia Barretto, Erik Santos, pati mga Kapuso na ngayong sina Bea Alonzo, Heart Evangelista at marami pang iba.
Well, ayon pa kay Ogie sa blog niya with Mama Loi at Tita jegs na “Showbiz Update” ay invited daw naman talaga si Jodi pero binawi raw last minute, huh!
Nakarating daw ang balita kay Ogie at narinig lang daw niya na kınansel ang invites ni Jodi at mas pinaboran si Claudine Barretto, huh! Si Claudine kasi ang isa sa pioneer at love na love ni Mr. M, huh!
Matandaang nagkaroon ng sigalot at isyu between Claudine at Jodi na kapwa naugnay sa isang lalaki. Si Clau ang dating asawa ni Raymart Santiago na ngayon ay karelasyon ni Jodi.
Para maiwasan ang maaring bangayan at tarayan kaya binawi raw ang inbitasyon ni Jodi.
So malinaw na mas pinaboran si Claudine over Jodi huh!