Advertisers

Advertisers

Sarah kasal pa rin kay Richard, ‘wag ipangalandakan na single na ulit

0 17

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NUNG nakaraang birthday party ni Kathryn Bernardo na ginanap sa isang bar sa Palawan, hindi inaasahan ang pagsulpot ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

Gulat ang mga bisita ni Kathryn nang bumulaga si Alden.



May bitbit na gift at bouquet of flowers si Alden para sa birthday ni Kathryn.

Maraming kinilig sa pagpunta ni Alden.



Mas lalong kinilig ang mga solid KathDen nang magyakap nang mahigpit ang dalawa.

Hudyat na kaya ito na matutuloy na ang sequel ng hit movie nina Kathryn at Alden?



Ano naman kaya ang say ni Daniel Padilla sa ganap ngayon sa kanyang ex-gf?

Parehong busy ang dalawa dahil sa kanilang mga proyekto.

Kung may Pulang Araw si Alden ay may Ellens 1944 naman si Kathryn

O, devah!?

***

SA panayam kay Sarah Lahbati, inamin nito na kaibigan niya ang lalakeng kasama sa isang resto sa Hong Kong.

Mas lalong tumaas ang kilay ng netizens nang ipangalandakan nito na siya ay single na matapos mahiwalay sa asawang si Richard Gutierrez.

Kaya naman na-bash ito ng netizens at sinabi na kahit magkahiwalay pa sila ni Richard ay kasal pa rin sila hanggang di pa napapawalang bisa ang kanilang kasal.

Kaya nga raw huwag na ipagsigawan ni Sarah na siya ay single.

Hanggang kasal pa sila ni Richard Gutierrez ay di pa nga raw nito puwedeng ipangalandakan sa buong universe na siya ay single na.

Pagtatanggol naman ng netizens kay Sarah ay friend nga lang daw niya ang kanyang kasama.

Hindi na ba raw puwedeng makipagkaibigan sa lalake ang hiwalay sa asawa, hirit pa ng netizens na nagtanggol kay Sarah.

Well, well, well…’Yun na!