Advertisers

Advertisers

After ng civil wedding… Zanjoe at Ria pinaghahandaan na ang kasal sa simbahan; Willie game na sa pagbabalik ng game show sa TV5

0 7

Advertisers

Ni JIMI C. ESCALA

SA pamamagitan ng kanyang Instagram account ay inilabas ng Kapamilya aktor Zanjoe Marudo ang Ilan sa mga larawan na kuha nila ng kanyang asawa na ngang si Ria Atayde habang nagha-honeymoon sa Balesin Island.

Kasama ng dalawa ang buong Atayde Family na itinaon sa Holy Week vacation ng buong pamilya ng beterana at super husay na aktres na si Sylvia Sanchez.



Ito rin daw ang first time na nakasama sa yearly family vacation ng pamilya Atayde si Zanjoe.

Sa mga larawan na ibinahagi ni Zanjoe ay kita ang sobrang kasiyahan ng Atayde family dahil miyembro na ng pamilya nila ang aktor.



Kasama rin nila ang misis ni Cong. Arjo na si Maine Mendoza.

Siyempre, kasama pa rin sina Gela Atayde at ang bunso ng pamilya na si Xavi.



Samantala, ikinasal sina Arjo at Ria sa isang simpleng civil wedding last March 23 at nasa plano pa rin naman ng mag-asawa na magkaroon ng  enggrandeng church wedding soon huh!

***

SURE na sure na ang pagbabalik telebisyon ni Willie Revillame sa pamamagitan ng Kapatid network.

Marami ang natuwa lalo na ang mga loyal supporters ng TV host dahil mapapanood nila muli si Willie sa telebisyon na namimigay ng pera at pag asa, huh!

Halos lahat ng mga loyal staff ni Willie ang makakasama ng TV host sa pagbabalik niya at isa na rito ay ang naging direktor ng show na si Randy Santiago.

Ayon sa isang interview kay Randy,  walang problema raw sa kanya and anytime na kailangan siya ni Willie ay sasamahan daw niya agad ang TV host, huh!

“Sabi ko sa kanya na sasamahan ko siya bilang kaibigan pero siyempre hindi ko na kaya yung everyday kasi may iba pang commitments,” paliwanag ni Randy.

Anyway, abangan natin kung sino-sino ang mga kukunin ni Willie bilang co- hosts niya sa pagbabalik ng “Wowowin” huh!