Advertisers
SINIBAK sa puwesto ang tatlong pulis na sakay ng isang mark venicle, na kabilang sa mga nasita ng mga tuahan ng Metro Manila Development Autnority (MMDA), sa pagdaan sa EDSA Bus Lane noong Biyernes.
Ayon kay Colonel Jean Fajardo, Chief ng PNP Public Information Office, natukoy na ang pagkakakilan ng 3 pulis na pawang nakatalaga sa PSPS at Avsegroup at kasalukuyan nang under investigation
“Under investigation na, na-identify na ‘yun. Ni-relieve na sila under investigation,” pahayag ni Fajardo.
“Tatlo ‘yun na-identify, taga PSPG at Avsegroup. Ni-relieve na sila, nakausap ko mismo ‘yung directors ng PSPG at Avsegroup, ni-relieve na ‘yung mga pulis na pawang Non Commission Officer (NCO).”
Nagpaalala uli si Fajardo sa lahat ng miyembro mg PNP na huwag tangkain pumasok o dumaan sa EDSA Bus Lane kung hindi ito emergency.
“Matagal na natin sinasabi na huwag nang dumaan o pumasok sa EDSA bus lane unless you are engage sa mga actual police operation, emergency, crisis puwede,|ang tatlong pulis,” saad ni Fajardo.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaan ng mga mga sasakyan sa EDSA Bus Lane maliban sa mga emergency na sasakyan tulad ng ambulance na may sakay na pasyente. Ang mga mahuhuling lalabag ay may multang P5,000. (Mark Obleada)