Advertisers

Advertisers

La Niña dapat paghandaan ng gobyerno – Sen. Escudero

0 13

Advertisers

SA kabila ng napakatinding init ng panahon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng bansa, dapat paghandaan naman ng gobyerno ang inaasahang pananalasa ng La Niña weather phenomenon.

Ginawa ni Senador Francis Escudero ang reaksyon kasunod ng pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang posibilidad na magkaroon ng La Niña sa kasalukuyang taon.

“By acting now, we can better navigate the challenges posed by changing climate patterns and protect vulnerable communities and sectors, especially our farmers and fisherfolk,” wika ni Escudero.



Una rito, nag-isyu ang PAGASA na La Niña Watch upang magkaroon ng kamalayan ang publiko sa nalalapit ng weather phenomenon.

Sa ngayon, inihayag ng weather bureau na may 55% tiyansa na ma-develop nito sa susunod na anim na buwan.



Matatandaang huling tumama ang La Niña sa bansa nitong nakalipas na tatlong sunod na taon, mula Setyembre 2020 hanggang kaagahan ng 2023, sabi ng PAGASA.

Aniya, kailangang magkaroon ng sapat ng alokasyon para sa calamity funds para sa epekto ng El Niño at paghahanda naman sa napipintong La Niña weather phenomenon.



“Kung El Niño tayo ngayon, ay La Niña naman tayo next year. Maaari ba ‘wag nating ubusin lahat ng paghahanda natin para sa El Niño lamang dahil next year kabaliktaran ‘yong dapat nating paghandaan. Ngayon ang tamang panahon para maghanda tayo para sa parating na La Niño,” paliwanag ni Escudero.

“Dahil legal na pwedeng gastusin ang Calamity Funds para sa paghahanda sa isang kalamidad at hindi lamang sa aktwal na kalamidad kapag nandyan na ‘yan, atin nang paghandaan ang La Niña.
Bukod diyan, tatamaan pa rin tayo ng ilan pang bagyo na tinataya ng PAGASA na nasa lima hanggang 10 bagyo pa sa loob ng taon,” dagdag pa ng senador. (Mylene Alfonso)