Advertisers

Advertisers

Titser minanyak ng construction worker

0 24

Advertisers

Inaresto ang isang construction worker nang ipagharap ng reklamo ng panghihipo ng 23-anyos na guro sa Talisay City, Cebu.

Sa ulat, nangyari ang pangmamanyak sa babaeng titser habang naglalakad ito sa bangketa ng national highway sa Barangay Bulacao.

Sinasabing papasok na sana sa eskuwelahan para magturo ang nasabing guro nang makasalubong nito ang 28-anyos na suspek.



Ilang saglit lang, biglang hinipuan ng suspek sa maselang parte ng katawan ang lady teacher.

Nang magreklamo sa kinauukulan ang biktima, agad itong dinampot ng mga nagpapatrolyang pulis.



Itinanggi naman ng nasabing construction worker ang bintang sa kanya at nangatwirang hindi niya sinasadyang matamaan ang maselang parte ng katawan ng guro habang naglalakad.

Nahaharap ngayon sa kasong acts of lasciviousness ang suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">