Advertisers
Nahuli ng mga pulis ang isang tulak ng droga at nasamsam ang shabu na nagkakahalaga ng P3.8 milyon sa isang buy-bust operation sa Barangay Santol sa Balayan, Batangas nitong Sabado, Abril 27.
Kinilala ni Police Regional Office 4-A chief Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas ang suspek na si Darwin, 27, itinuturing na high-value individual at residente ng Barangay Santol.
Nakumpiska kay Darwin ang 14 na heat-sealed plastic sachet at limang knot-tied plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 563 gramo at nagkakahalaga ng P3.8 milyon at ang buy-bust money.
Nasa kustodiya na ng Batangas Provincial Forensic Unit ang mga narekober na shabu para sa pagsusuri.
Nahaharap si Darwin sa mga kasong may kinalaman sa droga.