Advertisers

Advertisers

ANG SAY NI SEC. AÑO

0 22

Advertisers

MAY mga nagtawag ng pagtalikod sa pagsuporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong mga nagdaang linggo. Partikular na pinaki-usapan pa ay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP).

Pambihira di ba? Kaya naman, sa panawagan na yan, walang ibang nag-salita kung di si National Security Adviser Eduardo M. Año.

Partikular niya na ring tinukoy ang nagpasimula ng panawagan na yan. Walang iba kung di si dating House Speaker at Davao Del Norte (1st Dist.) Rep. Pantaleon Alvarez.



Ang say ni NSA Año, “minaliit” naman masyado ni Alvarez ang integridad at propesyunalismo ng AFP at PNP.

Ang dalawang institusyon na ito, ani Año, ay parang di naman alam ni Cong. Alvarez, ay may katapatan lamang, sa ating Constitution o’ Saligang Batas. Ika nga sa ‘rule of law’, sa ‘chain of command’, at sa Pangulo ng Pilipinas bilang ‘Commander-in-Chief’ ng Sandatahang Lakas o’ Armed Forces.



Bukod dito, ang panawagan ng pagwiwithdraw ng support kay PBBM, para kay NSA, ay insinwasyon lamang na walang basehan.

Ang mas matindi, ang say ni Año, kung ang mga ganitong panawagan ay nanggagaling pa sa isang public official, na isa ring high-ranking reservist officer.



Iresponsableng panawagan kapag ganyan ang pangyayari, ang sabi ni Año. At di lang yan, iligal pa raw na maituturing, at “unconstitutional”. Ibig sabihin, labag sa Saligang Batas.

Sinisira nito ang pundasyon ng mga demokratikong institusyon natin, dagdag pa ng ating Security Adviser, na sa kanyang malalim pang pananaw, ay sumisira din sa pangingibabaw ng mga sibilyan sa ating kasundaluhan.

Ibig sabihin, ang mga ganitong panawagan ay maituturing nang “seditious” o’ “rebellious”, ang say ni Año. Wala itong puwang sa ating lipunan.

“In a democratic society such as ours, the armed forces are neutral and apolitical, serving the interests of the nation as a whole. The AFP and PNP shall continue to remain above petty partisan, political, or personal interests,” yan ang say pa ni NSA Año.

Di nga naman dapat idinadamay ni Cong. Alvarez at sinoman ang kanyang mga kasama pa, ang mga nirerespeto ng bayan na mga institusyon gaya ng AFP at PNP, para lamang maisulong ang kanilang mga sariling kapakanan o agenda, kahit pa ito ay dala ng kanilang emosyon o’ pulitikal na paniniwala.

Kaya naman, nanawagan din si Año hindi sa ating mga kababayan, kung di sa Department of Justice na rebisahin ang panawagang ginawa nila Alvarez at patawan ng anumang ligal na aksiyon para di na pamarisan.

Malalim na sugat yan sa mga unipormado nating mga kapatid na ibinubuwis ang buhay para sa ating seguridad at ipaglaban ang bansa nang naaayon sa Saligang Batas.

Kayo ano say niyo?