Advertisers

Advertisers

Mayor Honey nanawagan sa mga kawani at opisyal na pangalagaan ang mga gamit at ari-arian ng City Hall

0 19

Advertisers

NANAWAGAN si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng kawani at opisyal na pangalagaan ang mga ari-arian at mga kagamitan nh City Hall na parang pag-aari nila.

Sa kanyang panawagan, binigyang diin ni Lacuna na ang lahat ng ari-arian na ginagamit sa lahat ng tanggapan sa ilalim ng Manila City Hall ay binili sa pamamagitan ng city funds na nagmula naman sa taxpayers’ money.

Sinabi pa ng alkalde na sa pagbili ng mga kinakailangang kagamitan at pangangailangan sa day-to-day operations ng lungsod, ang mga opisyal na nakatoka sa pagbili ng mga ito ay tinitiyak naman na pawang magandang kalidad lamang ang kanilang binibili.



Hinimok din ng lady mayor ang lahat ng tanggapan sa lungsod na tulungan ang office of the city general services office (CGSO) sa pamumuno ni Thelma Perez sa pagsasagawa ng proper and updated inventory sa lahat ng kagamitan at office properties na assigned sa kanila.

Ayon pa kay Lacuna, ang bawat property officers at chief admin officers ng bawat department ay inaasahan na makakatulong sa mga kagamitan na naka- assigned sa tanggapan kung saan sila kabilang.



Ganito rin ang winika ni at ipinaliwanag ni Perez na : “Kung me gagalawin or ililipat ng puwesto or lugar, sana ipagbigay-alam agad sa tanggapan namin para agad naming ma-update sa database para ang reporting sa COA (Commission in Audit) ay maging akma.”

Idinagdag din ni Perez na dapat ang lahat ng tanggapan ay magkaron ng property ledger cards o inventory supplies card para kung ang COA ay magkakaron ng random check, ay maipapakita nila itong cards.



Hinikayat naman ng alkalde ang lahat ng nakatoka na mag-ingat ng record ng kanilang inventories na makipagtulungan sa tanggapan ni Perez para magabayan at ipinapangako naman nito na lagi silang handa na alalayan ay tugunan sakaling mayroon silang katanungan kaugnay ng kanilang concern. (ANDI GARCIA)