Advertisers

Advertisers

8K pulis ipapakalat sa Metro Manila sa Labor Day

0 14

Advertisers

Upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan tiniyak ng National Capital Region Police Office ((NCRPO) na 8,000 pulis ang ipapakalat sa Metro Manila sa darating na May 1 International Labor Day.

Sinabi ito ni PMajor Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na magtatalaga ng mga pulis sa iba’t-ibang lugar ng Metro Manila upang masiguro ang katahimikan at kaayusan.

Sa ginanap na Monday Flag Raising and Awarding Ceremonies, sinabi ni Nartatez na matagal nang nakahanda ang NCRPO para sa rally na gagawin ng mga manggagawa ngayong “Labor Day.”

Nabatid sa director ng NCRPO paiigtingin ng mga pulis ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa rally dahil hindi lang naman ito kilos protesta ng mga manggagawa subalit sinasabayan din ng rally ng transport groups na binubuo ng mga driver at operators na humaharang sa transport modernization na nais ipatupad ng pamahalaan.

Ayon pa kay Nartatez na magde-deploy rin ang kanyang tanggapan ng 8,000 pulis sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila upang matiyak ang katahimikan ng kilos protesta ng mga manggagawa.

Kaugnay nito sinabi pa ng director ng NCRPO na ang kapayapaan ang pangunahing mithiin ng mga pulis sa pagpapatupad ng tungkulin habang nagsasagawa ng kilos protesta ang mga. manggagawa.

Idinagdag pa ng hepe ng NCRPO na hinahayaan naman ang mga ito na magsagawa ng kilos protests tulad ng Liwasang Bonifacio sa Maynila at Freedom Park sa Quezon City Memorial Circle basta matiyak lang ng mga ito na matahimik at nasa kaayusan ang kanilang hanay.

Sinabi pa ni Nartatez na sakaling magsagawa ng kilos protesta ang mga ralyista sa mga lugar na nangangailangan ng permit at wala silang kinuha mula sa local government units, doon kikilos ang mga pulis na buwagin sila sa matahimik na paraan tulad nang pakikiusap sa mga lider nito na kusang lisanin ang lugar nang walang gulo o dispersal na magaganap.(Boy Celario)