Advertisers

Advertisers

Pulis pumalag sa pagpapabura ng tattoo, magastos daw

0 9

Advertisers

Magastos at hindi biro ang budget sa pagpapabura ng tattoo sa katawan, ayon sa isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos ang inilabas na direktiba na burahin ang mga nakalitaw na tattoo sa katawan ng isang alagad ng batas.

Ayon kay Police Sergeant “Alex” na mayroong ilang tattoo sa braso at binti, agad siyang nagtanong sa isang derm clinic at isang pribadong ospital kung magkano ang magagastos sa pagpapabura ng tattoo, at medyo mabigat aniya sa bulsa.

Kailangan sumailalim sa ilang sesyon upang ganap na mabura ang tattoo dahil hindi nakukuha ito sa isang session lamang.



Naglalaro sa P1,000 haggang P7,000 ang isang laser session, pero depende pa rin ito sa presyo ng ibang derma clinics.

Mayroong ding package para sa pagpapabura ng tattoo pero gagastos pa rin ng libo-libong piso.
Iba rin presyo sa mga pribadong hospital para magpabura ng tattoo.

Bukod sa laser na proseso, maaari ring mabura ang tattoo sa pamamagitan ng surgical removal subalit mag-iiwan ito ng peklat sa katawan.

Sinabi ni Sergeant Alex na masakit man sa bulsa at sa budget ay susunod ito dahil utos ito ng Chief PNP.