Advertisers

Advertisers

Shabu dealer todas: P13.6m droga nasamsam sa Sulu

0 9

Advertisers

Nasamsam ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P13.6 million na halaga ng shabu sa isang dealer na napatay ng manlaban sa isang entrapment operation sa Luuk, Sulu nitong Sabado, April 27, 2024.

Kinumpirma nitong Linggo ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang pagkamatay sa naturang engkwentro ni Pailan Sahali Jumali ng manlaban ng mapunang mga hindi unipormadong mga anti-narcotics agents ang kanyang nabentahan ng dalawang kilong shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Tanduh Batu sa Luuk, isa sa 18 na mga bayan sa Sulu.

Ayon kay Castro, isang inosenteng residente ng Barangay Tanduh Batu, si Julpuri Wadih Sailabbi, ang tinamaan ng bala sa naturang insidente, ngayon nasa isang pagamutan na.



Ayon kay Castro, naikasa ang entrapment operation na nag-resulta sa pagkumpiska ng P13.6 million na halaga ng shabu mula sa napaslang na si Jumali sa suporta ni Sulu Gov. Hadji Adbdusakur Mahail Tan at ni Bangsamoro regional police director Brig. Gen. Prexy Tanggawohn.

Magkatuwang na inaalam na ng mga kasapi ng PDEA-BARMM at ng mga intelligence agents ng Sulu Provincial Police Office at ng Luuk Municipal Police Station kung sino ang mga kasabwat ni Jumali sa kanyang malakihang pagbebenta ng shabu upang masampahan ng mga kaukulang kaso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">