Advertisers
Aabot sa humigit kumulang P450,000 ang inisyal na halaga ng pinsalang iniwan ng sunog sa tatlong silid-aralan ng Bicud Elementary School sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.
Ayon kay FSINSP Artemio Salvatiera, Municipal Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection (BFP) Lal-lo, nagsimula ang apoy sa computer room ng nasabing paaralan kung saan isa sa tinitignang sanhi ng sunog ay dahil sa electrical short circuit.
Bagamat mabilis aniyang rumesponde ang mga otoridad ay tinupok pa rin ng apoy ang isang classroom at storage room dahil sa bilis ng pagsiklab ng apoy.
Aniya, pasado alas tres ng hapon kahapon Abril 27, 2024 nang maiulat ang sunog at idineklarang fire out 4:04 ng hapon.
Inihayag ni FSINSP Salvatiera na tumulong din sa pagresponde ang BFP Lasam at ang Munisipal Disaster Risk Redcution and Management Office (MDRRMO) Lasam kasama ang iba pang hanay upang maapula ang apoy.
Wala naman aniyang nasaktan o nasugatan matapos ang insidente.