Advertisers

Advertisers

4 pulis ‘di rumesponde sa pinatay na opisyal sinibak

0 22

Advertisers

TINANGGAL sa puwesto ng Philippine National Police (PNP) ang apat na pulis na kasamang nagpapatrulya ni Police Captain Roland Moralde nang pagbabarilin ito ng dalawang pulis at tatlong iba pa nang sitahin ng opisyal ang isang lalaking kargado ng baril sa palengke sa Parang, Maguindanao del Norte noong Mayo 2, 2024.

“Base sa initial investigation, may apat pong kasama itong si Captain Moralde prior to the incident at nagpababa nga po ito sa palengke kaya ‘yun din po ay subject ng investigation ng internal affairs service ng PRO-BAR,” saad ni PNP information officer Colonel Jean Fajardo.

“Aalamin kung anong nangyari at hindi nila inalalayan o nirespondehan noong nakarinig sila ng putukan sa area at bigla silang nawala, ni-relieved na po itong mga ito subject for investigation,” dagdag ni Fajardo.



Dumating sa Camp Crame ang mga labi ng kapitan noong Linggo at mahihimlay ito sa PNP Mortuary hanggang Miyerkoles.

Nasampahan na ng kasong murder ang limang salarin kasama ang dalawang pulis na kapwa kamag-anak ni Mohiden Ramalan Untal, ang sinita ni Moralde na nanlaban nang kanyang sitahin.



Samantala, bukod sa kasong kriminal gumugulong narin sa Regional Internal Affairs Service (RIAS) ang kasong administratibo laban sa dalawang pulis na kapwa may ranggong Master Seargent.

Hawak narin ng Anti Cybercrime Group (ACG) ang mga kuha sa CCTV kung paano pinatay, pinagtulungang pagbabarilin ang biktima.



Nabatid na Mayo 2, nagpababa sa kanyang mga kasamahang pulis si Capt. Moralde sa Parang Public Market para mamalengke, dito ay nakita niya si Untal na mayroong nakasukbit na baril.

Sinita ng opisyal ang lalaki, pero mabilis itong tumakas habang pinaputukan si Capt. Moralde, na gumanti rin ng putok kungsaan nasapol at nasawi si Untal.

Sugatan din si Capt. Moralde sa insidente, pero napunta ito malapit sa bahay ni Untal kaya pinagbabaril siya ng mga kaanak nito.

Sumuko kinagabihan ang dalawang pulis habang patuloy pang tinutugis ang tatlo nilang kamag-anak.