Advertisers

Advertisers

Gen. Marbil gamit sa ‘tong’ collection sa ‘buriki’ at illegal terminal ng ‘Magsino Group’!

0 1,125

Advertisers

NI CRIS A. IBON

HINDI lamang ang ‘Magsino tong collector group’ kundi malaki rin ang responsibilidad ng mga regional at provincial directors pati ng mga police chief ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Rommel Francisco Marbil, sa ‘di masugpo-sugpong operasyon ng mga grupo ng buriki,vices at illegal terminal at iba pang ilegal sa buong bansa partikular sa Batangas at Laguna.

Ayon sa anti-vice crusader sa CALABARZON, kung papaanong nakapagtayo ng 20 mala emperyong burikian sa rehiyon, isa rito ay ino-operate ng magkalaguyong vice mayor at ni alyas Lucky alyas Lakatan sa Barangay Buli, bayan ni Taal Mayor Fulgencio “Pong” Mercado; at ng isang barangay chairman sa Batangas City ay dapat busisiin ni Gen. Marbil kay Batangas PNP Provincial Director, Colonel Samson B. Belmonte.



“Kung hindi kakastiguhin ni Col. Belmonte sina Taal Police chief Capt. Rommel Magno at Batangas City Police chief Lt. Col. Jepthe F. Banderado, si Belmonte mismo ang dapat patawan ni Gen. Marbil ng parusa”, pahayag pa ng mga anti vice crusader.

Bago nabuksan nina Lucky aka “Lakatan” ang kanilang burikian ng petroleum products at liquefied petroleum gas (LPG) sa Brgy. Buli na nasa boundary ng Taal-Lemery, malapit sa Buli Elem. School at Jollibee; at ang burikian nina Dennis, Baldo sa Brgy. Sampaga, sa Bypass Road, Batangas city ay nagpahayag na ng mahigpit na pagtutol ang mga mamamayan laban sa operasyon ng mga ito.



Sa compound ng naturang burikian ay nagpapatulo rin ng A1 Jet Fuel na lubhang mapanganib pagkat nasa gilid ng kalsada at dagsaan ng tao, ngunit hindi kumikilos laban dito sina Capt. Magno, LtCol. Banderano at Sampaga Chairman Rodel Banaag?

Tiyak na hindi magugustuhan ni Batangas City Mayor Beverley Rose Dimacuha at Taal Mayor Fulgencio “Pong” Mercado ang pagkakaroon ng delikadong burikian sa kanilang hurisdiksyon.



Ang iba pang burikian sa Batangas at karatig na mga lalawigan ay ang ino-operate ni “Buloy” at ng kasosyo nitong mga pulis sa Batangas City Port kungsaan nagmamantine din doon ng biyahe ng higit pa sa 500 colorum van gamit ang terminal na pag-aari ng gobyernong parking area sa Philippine Port Authority (PPA) sa Brgy. Sta. Clara, sakop ni Chairman Derick Arago.

May burikian din sina Ed at Rico sa Brgy. Bulihan sa bayan ng Malvar.

Milyones ang naibubulsa nina Buloy araw-araw, na halos kalahati nito ay napupunta sa “weekly intelhencia” sa Magsino Group at iba pang nagpapakilalang tong collector, kungsaan pangalan ni Gen. Marbil, PD Col. Belmonte at ilang police chiefs pati na mga miyembro ng media ay ipinangongolekta ng lingguhang “tongpats”.

Ang iba pang “pinapatungan” ni Magsino at ka-grupo nitong sina Adlawan, Gaston, alyas Capt LOYD aka DAVE, alyas Sgt. Panganiban, Arguelles alyas Chard Miravillas, Richard, Jamie at Jeff sa CALABARZON ay ang burikian ni alyas Roy Nueva sa Brgy. Saimsim, tapat ng Yakult Philippines sa Calamba City; Brgy. San Isidro at Brgy. Malabanban Sur sa Candelaria; at Brgy. Lumingon sa Tiaong na pawang nasa hurisdiksyon ni Quezon PNP PD Col. Ledon Monte. Kasosyo at protektor din ni Roy ang isang PNP Provincial Director?

May burikian pa ang isang alyas Bong sa likod ng Roadside Inn, Brgy. Isabang at Troy sa Brgy. Salinas, parehong sa Lucena City; habang isang Sammy ang nagpapatakbo din ng burikian sa Brgy. San Luis, Guinyangan. Ngunit mistulang inutil ang mga hepe ng pulis ni Gen. Marbil sa Calamba City, mga bayan ng Candelaria, Tiaong, Lucena City at Guinyangan.

Ayaw ni Quezon Governor Angelina “Helen” Tan na makapasok sa kanyang probinsya ang sindikatong buriki, ngunit tila nabubulag ito ni Col. Monte.

Hindi lamang operator ng burikian, pergalan at saklaan ang dapat walisin ni Gen. Marbil. Kailangang ipalansag din nito ang maintainner ng STL bookies sa AOR ni Tanauan City Police chief Col. Apolinario Lunar Jr., lalo na ang bookies con drug nina Ocampo ng Brgy. Bagbag, Cristy ng Brgy. Suplang, Gerry ng Brgy. Balele, Kon. Burgos ng Brgy. Boot at Ablao, at Melchor ng Poblacion, Dimapilis ng Brgy. Altura at marami pang iba. Ang drug lord din na si Ocampo ang operator ng STL bookies sa 13 barangays Balete.

Tampok ng masusing pagsisiyasat ng kongreso kamakailan ang perwisyong STL bookies sa Batangas, ngunit hindi ito alintana nina Col. Belmonte, LtCol. Lunar Jr., Tanauan City Mayor Sonny Collantes, Balete Mayor Wilson V. Maralit at Balete Police Chief.