Advertisers
SA unang tanaw sa bulto ng mga mananakbo sa idinaos na 6Oth MILO MARATHON Manila Leg ngayong 2024, nakamamangha at nakatutuwa ang sigla ng lahat kahit sa senaryong ‘walang tulugan ‘ na nagmula bandang ala una ng madaling araw hanggang sikatan ng unang silahis ng maghapon na binubuno ngayong nakaririndi and tag-init.
Wala kaming masabi pati sa dagsa ng pami-pamilyang lumahok bitbit ang kanilang mga anak na paslit ultimong mga nakasakay pa lang sa stroller.
Sa isip namin, ito ang epekto at mensahe ng 60 taon na ngayong aktibidades ng MILO Marathon. Gising na ang mga Pamilyang Pinoy na dapat makamulatan ng mga paslit ang tamang landas ng Kampeonato na hindi biro ang pag-abot.
Malinaw ang bitbit na tapang, disiplina, determinasyon at pagsasama-sama ng mga mananakbo sa lahat ng kategorya, mula sa 42 kilometers, 21k, 10k, 5k, 2k hanggang 1k sa Mall of Asia grounds sa Pasay City.
Sa puntong ito, hindi ang mismong kakayahan ng isang kampeon ang kumislap sa isip namin kundi ang mga katangian ng tumatakbo sa kampeonato. Sa 20,000/mananakbo, ilan ba ang kukuha ng titulo? Hindi ba ang mga nagiging kampeon ay kadalasang laki sa malalayong lugar na gustong magtatak ng tagumpay sa pamamagitan ng dibdibang hamon ng takbuhan?
Dito namin naalala ang Volleyball superstar, kinikilalang’The Phenom’ ALYSSA VALDEZ, na nagsabing hindi naman kampeon agad sa pagsalang sa kompetisyon, sa pagbabahagi ng mensahe bilang isa sa mga modelo ng MILO events. Ibig sabihin , dadaan sa matinding ensayo, pokus, tapang, determinasyon at pakikisama sa lahat tulad ng hamon sa tunay na takbo ng buhay.
Kung bubuklatin ang istorya ng bawat MILO champion at idolo tulad nina BEA LUCERO, JAMIE LIM, JEPOY LIZARDO at CRIS TIU na pawang modelo ng MILO, iisa ang sikreto ng kampeonato, na di birong maabot.
Magandang ehemplo ang mga kabaro namin sa MEDIA na taunang tumatakbo tulad ni Sports Editor NYMPHA MIANO ANG na masaya nang matapos ang 42k..parang kampeon na rin sila sa pusong pinatibay ng MILO MARATHON Inspirado ang mga mananakbo, kahit sa paglahok mismo, saludo kami sa resulta ng 60 year old MILO MARATHON. Mabuhay!