Advertisers
PANAUHIN ang mga batang swimmers na lalahok sa Palarong Pambansa sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes, Mayo 9 sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.
Sa kabila ng mataas na qualifying time standard (QTS) ng organizer Department of Education (DepEd), nakalusot ang mga pambato ng Paranaque na sina Nicola Diamante at Ilustre East Swimming Club member na sina Patricia Santor, Rio Balbuena, Jada Cruz, Amber Arano, Kristoffe David at Audrina Victor.
Ang Palarong Pambansa na organisdo ng Department of Education (Deped) ay gaganapin sa Cebu City sa Hulyo 6-17.
Makakasama nila sa programa ganap na 10:30 ng umaga at sa pagtatagayuod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat ang kaniman mga coaches na sina Anthony Reyes at Ramil Ilustre, gayundin si Philippine Aquatics, Inc. (PAI) Executive Director Chito Rivera.
Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga miyembro at opisyal, gayundin ang mga sports aficionado na makiisa sa talakayan na mapapanood din via live streaming sa TOPS Usapang Sports Facebook page, Bulgar Sports FB at sa Channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO) – ang pinakabagong network apps na libreng mada-download sa inyong Android mobile phone.