Advertisers

Advertisers

Paolo dinenay na hiwalay na kay Yen; Sarah binash ang pagiging Chef

0 12

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA kabila ng pagtanggi ni Paolo Contis na hiwalay na sila  ni Yen Santos, naghinala ang mga netizen at nagbase sila sa pagbura sa birthday post ng TV host actor na si Paolo.

Kamakailan lang ay kaarawan ni Paolo.



Nai-tag ni Yen si Paolo sa kanyang birthday celebration post.

Pero kapansin pansin na binura ni Yen sa kanyang socmed account ang post na birthday ni Paolo.



Kaya napagdudahan na hiwalay na sila na sinagot naman ni Yen at umamin sa real score nila ni Paolo

Totoo raw na naghiwalay sila ni Paolo nung mag shooting ito sa Bicol para sa latest project nito with Elisse Joson.



At ngayon na nakabalik na  si Paolo para sa iba pang commitments balik taping ito sa BG.

Nilinaw ng aktor na sila pa rin daw ni Yen at walang hiwalayang naganap.

Kaya wala raw katotohanan na naghiwalay sila ng dyowa na si Yen.

***

SA isang post sa socmed, ibinibida ng post na isa na nga raw Chef si Sarah Geronimo na ikinatuwa ng fans ng Pop Royalty.

Natupad na naman daw nito ang isa nitong dreams sa kanyang buhay at ito ngang pagiging ganap na Chef.

Di naman lingid sa kaalaman ng lahat na noon pa man ay isiniwalat ng mister nitong si Matteo Guidicelli na napakahilig ng singer sa pagluluto ng iba’tibang putahe dagdag pa ang pagbe-bake.

Naisip ng netizens na baka magtayo sila ng restaurant pandagdag sa resto ni Matteo.

Pero sa post sa pagbida na Chef na si Sarah ay may pumalag na basher sa kabila na di naman daw siya hater ni SG.

Sey ng basher ay nakapagtapos or graduate lang daw ng Culinary ang Chef.

Dagdag pa ng basher na kung Chef daw talaga  ay maraming training at experiences dapat si Sarah bilang Chef.

Umalma ang mga fans ni Sarah na marunong pa raw ito sa nag-aral ng Culinary sagot nito sa basher.

Well, well, well…’Yun na!