Advertisers
BATID ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. na ang presidential cash aid ay dapat ipagkaloob sa Filipino farmers at fisherfolk sa pagiging ‘backbone’ ng ekonomiya ng bansa sa kabila ng pagiging pinakamahirap na sektor ng bansa.
Ito ang sinabi ni Zamboanga del Sur Governor Victor Yu na pinasalamatan ang Pangulo sa personal na paghahatid ng “Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and Families” ng kanyang tanggapan sa lalawigan sa kanyang pagbisita sa Mindanao.
“I would like to thank the President, very concerned siya. Nakikita ko ‘yung care niya sa farmers natin. In fact, during our meeting, sabi niya, ‘Agriculture-based tayo na bayan. Paano ma-improve ang economy natin kung hindi natin matulungan ang mga farmers na pinaka-poorest sector of our country?’” pahayag ng gobernador sa isang panayam sa radyo.
“Very grateful and very thankful kami na mismong Pangulo ang pumunta sa region namin, nagbigay ng tulong, especially sa mga magsasaka natin. [He] expressed concern sa mga farmers natin and fisherfolk,” dagdag ng provincial chief executive.
Bilang tugon sa epekto ng El Niño sa agrikultura, nagsagawa si Presidente Marcos ng non-stop visits noong Huwebes at Biyernes upang magkaloob ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda sa Zamboanga Peninsula, Sultan Kudarat, Cotabato, General Santos, South Cotabato, at Sarangani Province.
Pinangunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng P60 million na financial assistance at iba’t ibang government services sa mga magsasaka at mangingisda sa Zamboanga Peninsula, P100 million sa Sultan Kudarat at Cotabato, at P110 million sa General Santos, South Cotabato at Sarangani.
Nagpahayag din ng suporta si Sultan Kudarat Governor Datu Pax Ali Mangudadatu sa Bagong Pilipinas brand of governance ng Pangulo, at sinabi na, “Bagong Pilipinas is the best Philippines we can ever give to the Filipino people.”
“When I received the call last week na darating ang ating mahal na Pangulo [sa ating lalawigan], nasabi po talaga natin na “Man of Words and Man of Action” [ang ating Pangulo]. Kaya tayo po sa Sultan Kudarat ay tunay na mapalad,” anang gobernador.
“From the bottom of our hearts, Mr. President, kami po ay nagpapasalamat sa inyong suporta, sa inyong tiwala, at sa inyong pagmamahal sa sambayanang Pilipino,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ni General Santos City Mayor Lorelie Pacquiao sa Pangulo na, “ang iyong pagkilala sa mga pakikibaka at balakid na nararanasan ng ating mga magsasaka at mangingisda ay nagpapakita ng inyong tunay na pangangalaga at pagmamahal sa kapakanan ng lahat ng miyembro ng ating lipunan.”
Gayundin ay tiniyak ni General Santos City Rep. Loreto Acharon kay Presidente Marcos na “101-percent” na sinusuportahan nila ang kanyang administrasyon at ang kanyang brand of governance.
“Ipinangangako po ng ating mga constituents namin ni Mayor Lorelie Pacquiao na kami ay 101-percent susuporta sa iyong administrasyon, sa lahat ng iyong adhikain, sa lahat ng iyong programa, proyekto, iyong mga ninanais na tayo ay magkaroon ng Bagong Pilipinas. Kakampi niyo kami. Great ally niyo kami,” sabi ni Rep. Acharon.