Advertisers

Advertisers

PCG OFFICER NANGIKIL SA APLIKANTE!

0 14

Advertisers

KINASUHAN na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isa nitong officer na nangikil ng malaking halaga sa isang aplikante na papasok sa coast guard service.

 



Ang kaso laban kay  CG Petty Officer Third Class (PO3) Ibrahim Banota ay nag-ugat sa reklamo na nangyari sa gitna ng PCG nationwide recruitment cycle para sa calendar year 2024 kungsaan nangingikil ng P150,000 sa aplikante.

 



Nakatanggap ng report ang PCG kaugnay sa illegal na aktibidad ng coast guard personnel May 19, 2024.

 



Matapos ang limang araw, nagsagawa ng entrapment operation ang PCG at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 9 upang maaresto si  Banota, nakatalaga sa Coast Guard Station Western Tawi-Tawi, Zamboanga City.

 

“Filing of case is now on process for violation under Article 315 of the Revised Penal Code (Estafa) for a criminal case and Section IX, A. Grave Offenses, paragraph 24 of National Headquarters – Philippine Coast Guard / Coast Guard Internal Affairs Service (NHQ – PCG / CGIAS) Circular Number 13-19 for administrative case,” sinabi ng  Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM) .

 

Hinikayat ng PCG ang mga aplikante at iba pang concerned individuals na iulat ang illegal na aktibidad na may kaugnayan sa national recruitment sa pamamagitan ng  Coast Guard Human Resource Management Command (CGHRMC) para sa agarang naangkop na aksyon sa  0929-314-1684 | 0915-096-6183 | 0930-965-3132 | 0962-881-0491. (Jocelyn Domenden)