Advertisers
Hindi kagulat-gulat na tambak ang Mavs ng Celtics sa Game 1 ng NBA Finals, 107-89.
Mangyari sa dalawa nilang paghaharap ngayong season ay parehong malaki lamang ng Boston sa Dallas.
Noong unang laro ika 22 ng Enero ay siyam ang abante nina Jayson Tatum, 119-110. Sa pangalawa noong ika-1 ng Marso ay 28 na ang naging kalamangan, 138-110.
Sa mga naturang laban ay 110 parehas ang bilang nina Luka Doncic. Nagkataon?
Mas malalim ang bench nina Jaylen Brown kasi.
Higit na kumpletos rekados ang line-up.
Ang isa pang factor ay si Kristaps Porzingis ng gumawa ng 18 puntos sa first half pa lang. Nabigla si Coach Jason Kidd na sa pagbabalik nito ay kondisyon na kondisyon. Wala siyang maipantapat.
Nag-cancel out ang dalawang bida ng bawa’t koponan. Halos pantay lang kontribusyon ng Doncic-Irving sa Tatum-Brown pero wala nga ka-level ang seven-footer na Latvian. Yan naging big difference sa una nilang sagupaan.
***
Matabunan kaya ng announcement ng bagong coach ng LA Lakers ang NBA Finals?
Kung magkasundo sila ng No. 1 target na college champion coach ay maaari na ihayag nitong darating na mga araw.
Malamang headline news ito dahil big-time mentor si Dan Hurley sa collegiate ranks. Tapos matindi rin ang kontrata niyang matatanggap. 9 figures ito sa loob ng walong taon. Magiging isa siya sa highest paid coach sa liga.
Deserving naman siya sa kikitain kasi 2x champion siya sa UConn.
Ang susi na lang sa tagumpsy ay gaano siya kabilis maka-adjust sa pro. Crucial factor din magiging relasyon niya kina LeBron James at Anrhony Davis.
Abangan!
***
Tama naman si Sean Chambers nang sabihin niyang pwede naman magtagumpay isang prangkisa sa PBA kahit wala itong pagkukunwari sa tao. Yun bang tapat sa mga player at mga tagahanga. Yung hindi nandaraya sa suweldo o sa pakikitungo sa mga follower.
Yan ang pahayag ng dating Alaska import at ngayo’y coach na ng FEU Tamaraws..
Kaso parang hindi na yan applicable yan sa panahong ito. Kung noong 90s naka-grand slam ang Aces ni Fred Uytengsu ay malabo na ito sa era ni Chualay.
Go ask your boss, Sean kung bakit nilisan na niya ang PBA.