Advertisers
Ni BETH GELENA
NAKAKAANTIG ang mensahe ni Angeline Quinto na Father’s Day post para sa husband na si Nonrev Daquina.
Sa kanyang Instagram ay pinost ni Angge ang larawan ni Nonrev kung gaano nito kamahal silang mag-ina as a loving partner and father.
Sinulatan niya ng mensahe ang nasabing larawan ng heartfelt message for Father’s Day.
“To my favorite person, Happy Father’s Day Babe. Thank you for everything you do. Thank you for always protecting me and Sylvio. I celebrate you today and everyday, Babe. We love you so much. Wishing all the amazing Dads out there a Happy Father’s Day.”
Pawang positibong komento ang natanggap ng singer sa kanyang IG comment section.
Hanga sila kay Angge dahil kahit may ibang babae nang naanakan ang mister ay tinanggap niya ng buong buo si Nonrev.
In fairness naman sa guy, pinakita niyang nagbago na siya mula nang dumating sa buhay niya si Angge hanggang kinasal sila sa historical church, ang Quiapo Church.
***
RIA IRITABLENG SINAGOT ANG NETIZEN
SAKTONG Father’s Day nang i-announce ni Ria Atayde na she’s pregnant.
Bale yun na rin ang Father’s Day greeting niya sa mister na si Zanjoe Marudo though expected na rin naman nila na may darating na baby.
Kinasal ang celebrity couple last March after lang nilang i-announce ang kanilang engagement.
Agad na naglabasang kaya raw nagpakasal na ang dalawa dahil buntis si Ria.
Pero dinenay ito ng younger sister ni Ria na si Gela Atayde.
Gayunman, hindi natitigil ang tsismis na preggy si Ria.
Hanggang last April ay may rumor na ayon sa beteranang manunulat/TV Nay Cristy Fermin na si Ria ay three months preggy na, ayon umano sa kanyang source.
Nitong June 16, as the world is celebrating Father’s Day, may heartfelt greeting ang aktres para sa kanyang mister.
“To the dad you already are and the dad I know you’ll be. Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you [white heart emoji]. Happy first Father’s Day!” post ni Ria.
Binahagi rin ng aktres ang larawan nila ni Z habang sila ay nasa beach.
Sa isang larawan ay naka-emphasize ang baby bump ni Ria habang nakatayo sa tabi niya si Zanjoe na naka-open arms.
Sa kabila ng lahat may komento pa rin mula sa netizen.
Aniya: “Hahaha… tapos ddenay png buntis! Susme”
Iritableng sinagot ni Ria ito.
“We never denied anything Madam. We just didnt think we owed anyone an announcemen. Thank you for the support po.”
Ayaw pa ring tumigil ang netizen, “but her sister explicitly denied it?”
“So it wasn’t Ria who confirmed it. Malay ba ni younger sister diba?”
Tuloy kay Gela na-focus ang komento.
“Maybe the sister does not have the right to announce”
“Un kapatid ang todo tanggi. Dapat nag no comment na lang o di ko na maalala your honour”
“The sister doesn’t have the right to confirm too. Tama lang ginawa nila.”
“The sister does not have to confirm nor deny. Sana she just said I don’t know. Ayan tuloy na ‘back to you’ siya. People now are so particular at may resibo para balikan kaya be careful na next time.”
“Ria is right. They don’t owe anyone anything. Bakit pag nalaman nyo ba e may iaambag kayo sa bata?”
***
ISABEL BINATI NG FATHER’S DAY SI JOHN LLOYD
BINATI ni Isabel Santos ang boyfriend na si John Lloyd Cruz nitong Father’s Day.
Sa IG Page ni Isabel ay shinare niya ang photo ni JLC with his son, Elias na nagswi-swimming ang mag-ama and greet him on Father’s Day.
“Happy Father’s Day Behbeh!”
Sagot ng aktor, “Beh I love this.”