Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MISMONG ang ultimate heartthrob na si Piolo Pascual ang luminaw kung bakit di nakasama sa kanyang latest serye ang anak na si Iñigo Pascual.
Mas tutok at pokus daw ito sa States para sa itinatayong mga business na suportado naman ng mahusay na aktor.
Inamin din ni Papa P na lumaki si Iñigo sa kanyang mommy. Pero it doesn’t mean naman daw na di na sila close.
Kung wala rin lang work si Piolo ina- assure nito na may bonding time silang mag-ama.
Pagpapatunay pa nito na kapag may tour si Piolo ay di puwede na di sasama si Iñigo.
At dahil nga may mga desisyon na ito dahil almost 30’s na rin si Iñigo.
Mas gusto raw nito na magtayo ng negosyo tulad ng ama.
***
ALDEN NASA HK NA PARA SA SHOOTING NILA NI KATHRYN
NAGBUBUNYI ang fans ng KathDen, Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil tuloy na ang paggiling ng kamera para sa sequel ng Hello Love Goodbye na may titulo nang Hello Love Again.
Sa ibinahagi na post ng direktor na si Cathy Molina Sampana sa kanyang socmed account, ipinakita nito na hila ng aktor ang luggage papasok sa HK.
Obvious naman na gigiling na ang kamera lalo na’t namataan na si Alden ng mga kababayan nating OFWs.
Di naman malinaw kung nandun na rin si Kathryn.
Well, well, well…’Yun na!