“In His Mother’s Eyes” Ng 7K Entertainment Humakot Ng Parangal Sa 2nd Gawad Dangal Filipino Awards; Dovie San Andres May Script Na Para Sa Movie Nila Ni Elrey Binoe
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
BONGGA at star-studded ang awards night ng 2nd Gawad Dangal Filipino Awards ni Direk Romm Burlat na held at Sequia Hotel Manila Bay last June 19, 2024.
Present sa said awards night ang controversial iconic veteran star na si Eva Darren na isa sa mga pinarangalan noong gabing yon. Samantalang humakot naman ng major awards ang lead cast ng “IN HIS MOTHER’S EYES” led by Maricel Soriano, LA Santos and Roderick Paulate. Produced ng 7K ENTERTAINMENT ni Madam Florita Santos ang pelikulang ito na punung-puno ng puso at pagmamahal. Dinirek ito ni FM Reyes. Nakamit ng solo ni Maricel ang Best Actress award, samantalang ka-tie naman ni Roderick sa Best Actor si Piolo Pascual. Solo namang ipinagkaloob ang Best Supporting Actor trophy kay LA ng Gawad Dangal Filipino. Personal na tinanggap nina LA at Roderick ang kanilang awards. Maligayang pagbati sa lahat ng tumanggap ng parangal.
***
NAGING malaking bangungot o masamang panaginip daw para kay Dovie San Andres ang pagka-unsyami ng showbiz career nila ng anak na si Elrey Binoe dahil nga sa lantarang panloloko ng nagpapakilala sa kanyang bading na movie director na si Paolo “Something” na isang impostor lang pala.
Tapos, kung tinulungan lang sana si Dovie ng pinagkatiwalaan niyang kilalang male editor na sa pagkakaalam daw niya ay well connected, sana ay naging artista na siya at 17 yrs old lang daw siya that time na very sexy pa. Pero pinagdamutan daw siya ng said editor sa pangarap niyang ito.
Pero para kay Dovie at her age ay pwede pang matupad ang pangarap niyang maging actress. At ito rin daw ang bilin sa kanya ng kanyang mother noong nabubuhay pa, na gawin niya kung ano ang gusto niya at matutupad yun, huwag lang sumuko. At nang maka-chikahan namin sa pamamagitan ng video call si Dovie, naikwento niya na may script na siya para sa gagawin nilang movie ni Elrey Binoe na ididirek ni Vic Tiro. Hard action-drama raw ito na bago ang plot ng story na kapupulutan ng aral ng makapanonood. Sasalang sa training sa stunts at routine si Elrey Binoe at matitindi ang fight scenes niya sa movie samantalang ang Mommy Dovie niya ay handa na sa kanyang mga magiging eksena dahil mahusay na itong umarte.