Advertisers

Advertisers

‘DI GOOD: IMEE MARCOS ‘DI SIGURADO KUNG ISASAMA NI PBBM SA TIKET

0 56

Advertisers

KAHIT magkapatid, tila hindi nakatitiyak si Senador Imee Marcos kung ieendorso siya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa kanyang 2025 re-election bid.

“Hindi ko nga alam kung kasama ako,” tugon ni Imee sa isang panayam nang tanungin kung sasama siya sa administration slate.

Ayon kay Imee, posibleng may humigit-kumulang 50 kandidato na maghahanap ng puwesto sa Senado para sa 2025 midterm polls at mayroon nang ilang political parties na kumukumpleto ng kanilang sariling line-up.



“Nakikita ko ‘yung iba’t ibang slate, palagay ko magiging singkwenta ang kandidato kasi napakarami po namin. May Lakas, may PFP, marami eh — napakarami. Kaya nalilito ako, pero tingnan natin. Mahaba-haba pa naman ang panahon,” ani Imee.

“Ang pulitika sa Pilipinas ay laging basketball. Kaya abangan ang last two minutes,” hirit ng Presidential sister.



Sa kabila ng mga nangyari sa politika partikular ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang Education secretary ng kanyang kapatid, nanindigan ang senadora na hindi magiging “komplikado” ang kanyang kampanya sa 2025.

“Para sa akin, hindi naman komplikado. Ako ay inihalal bilang mambabatas at senador. So kung ano ang trabaho ko, kung kailangang ibunyag ang katotohanan, kung may hindi matutuwa, kung may magagalit, at magtatampo, magtiisan na lang po tayo kasi ‘yan ang trabaho natin at ang aking pananagutan ay sa mga mamamayang Pilipinong bumoto sa atin,” paliwanag ni Imee.



Ikinalungkot din ng senadora na nasira na ang “UniTeam” tandem ng presidente at bise presidente. (Mylene Alfonso)