Advertisers
Isa si Oriental Mindoro First District Congressman Arnan C. Panaligan sa mga principal author o may-akda ng House Bill No. 10381 na naglalayon na rebisahin o amyendahan ang Republic Act No. 8178 o ang “Agricultural Tariffication Act.”
Ito ang ipinangako ni Panaligan noong nangangampanya ito sa pagka Congressman noong 2022 at ito ay kanyang ginampanan at tinupad ngayon sa Kongreso.
Sa pamamagitan ng House Bill No. 10381, ay itinama ni Panaligan ang mga hindi maganda at maayos na epekto ng Rice Tariffication Law. Kabilang dito ang pagbagsak ng kita ng mga magsasaka at ng lokal na produksyon ng palay ganun din ang hindi natupad na pangako ng naturang batas na pagbaba ng presyo ng bigas sa mga pamilihan.
Sa ilalim ng House Bill No. 10381, ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ay pinapalawig pa ng anim (6) na taon upang mapataas ang ani ng palay at kita ng mga magsasaka, na pwedeng pondohan ng RCEF ang mga rice productivity enhancing projects tulad na lamang ng farm mechanization at post harvest facilities, seed production, soil health improvement, pest and disease management, fertilizer assistance, solar power irrigation at small water impounding systems.
Upang ma-stabilize ang presyo ng bigas sa pamilihan at matiyak ang sapat na supply nito sa abot kayang halaga, binibigyan ang pamahalaan ng kapangyarihan sa ilalim ng House Bill No. 10381 na lisensyahan at inspeksyunin ang mga pribadong warehouses ng bigas at mag supply at magbenta ang National Food Authority (NFA) ng bigas kung may shortage sa supply nito o kung tumataas ng labis at mabilis ang presyo ng bigas.
Minamandohan dito ang NFA na sa mga lokal na magsasaka lamang bibili ng palay o bigas na ibebenta sa mga mamimili at maaring mag-import lamang ang NFA kung kinulang ang lokal na pagkukunan ng bigas.
Dapat ay awtorisado ng Secretary of the Department of Agriculture ang anumang importasyon ng bigas ng NFA. Tanging sa mga Kadiwa stores at outlets at awtorisadong mga retail outlets at grupo at ahensya ng pamahalaan pwedeng ibenta ng NFA ang murang bigas at hindi sa mga private traders at importers.
Inaasahan din ng Kongresista na ang pag-amyendang ito sa Rice Tariffication Law ay upang tugunan ang kakulangan at mga hindi maayos at magandang epekto ng nasabing batas na ipinasa noong 2018.
Samantala umaasa naman ni Congressman Panaligan na agad maipasa ang House Bill No. 10381 sa Senado dahil kapakanan umano ng mga magsasakang Pilipino at taumbayan na bumibili ng bigas ang nakasalalay dito. (RONALD BULA)