Advertisers

Advertisers

Kylie hinamon sina Sanya at Glaiza

0 21

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAMANGHA ang netizens kay  Kylie Padilla nang i-upload niya ang isang video clip sa kanyang Instagram account.

Sa clip, makikita ang transformation niya replete with costumes bilang Sang’gre Amihan.



Isa kasi sa pinakapaboritong papel na nagampanan niya sa nasabing GMA-7 fantaserye ay bilang tagapag-ingat ng brilyante ng hangin.

Bilang mandirigma, sa nabanggit na serye rin, nakita ang potensyal niya bilang action star na susunod sa yapak ng kanyang amang si Robin Padilla.



 

Caption niya:”CHALLENGE ACCEPTED my dear Alena, @gabbi. The blue one, e corrie diu Amihan. I just needed any excuse to step into her shoes again.”



Ibig sabihin ay na-inspire siya sa dare sa kanya ni Gabbi Garcia na nagpasiklab din sa Asoka-like challenge bilang Sang’gre Alena.

Hinamon din niya ang iba pang Encantadia co-stars niya tulad nina Glaiza de Castro at Sanya Lopez na kumasa sa challenge.

“Kayo naman @glaizaredux & @sanyalopez.

Thank you for the shared vision team,” dugtong niya.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon  sa kafaneyan ang nasabing video.

“Avisala Hara Amihan ang reyna ng Lireo.” “Namiss ka namin ng sobra Hara Amihan!” “Napakahusay Hara Amihan!!! Ang gandaaaa.” “Naiiyak ako sa tuwa, napakagandang Hara nito.”

 

***

MTRCB nagsagawa ng Responsableng Panonood Family and Media Summit upang palakasin ang Pamilyang Pilipino

 

IDINAOS  ngayong araw ang Responsableng Panonood Family and Media Summit ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para hikayatin ang mga pamilya na maging mapanuri sa paggamit ng media.

 

Ang summit, na ginanap sa Quezon City, ay dinaluhan ng mga kilalang personalidad, kabilang sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, mamamahayag na si Ms. Korina Sanchez-Roxas, DepEd Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, Safe Schools Chairperson Dr. Arlene Escalante, at mga kinatawan mula sa National Council for Children’s Television (NCCT) na pinamumunuan ni Chairperson Dr. Luis Gatmaitan. Kasama rin sa seminar si Presidential Communications Office Director III-STRATCOM Sheryll Mundo.

 

Ang Summit ay bunsod ng bisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na paigtingin ang media at information literacy sa buong Pilipinas.

“Sa panahon ngayon,  napakabilis ang pagbabago ng media landscape. Bilang Chair ng MTRCB at, higit sa lahat, bilang isang ina, nauunawaan ko ang mga hamon na kaakibat ng paggabay sa ating mga anak sa digital na panahon,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa kanyang pambungad na pananalita.

 

“Mahalaga na mabigyan natin ang mga magulang at mga tagapag-alaga ng mga nararapat na kagamitan at kaalaman upang magabayan ang kabataan sa responsableng paggamit ng media,” dagdag niya.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Belmonte na ngayon higit kailanman, kinakailangang makasunod ang mga matatanda sa digital na panahon.

Ipinagdiinan naman ni award-winning broadcaster at TV host Korina Sanchez-Roxas ang kahalagahan ng pagmo-moderate at pamamahala ng nilalaman.