Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
ISASAPELIKULA ang buhay ng dating Senador na si Gringo “Greg” Honasan na may titulong GRINGO: The Greg Honasan Story at ang gaganap sa pelikula bilang siya ay walang iba kundi si Senator Robin Padilla.
At ayon kay former Senator Gringo…
“Nakita ko yung sarili ko kay Senator Robin. Hindi dahil sa angking talino niya, kundi dahil sa puso niya. Yung puso at malasakit para sa matagal nang naghihirap na sambayanan.
“Na mga kababayan natin, na kumakain sa basurahan, mga sinasabing nasa laylayan.
“At panahon na para ikuwento rin yung kasaysayan ng ating sandatahang lakas; yung mga kasundaluhan, kapulisan, mga security guard.
“Iyon yung iminu-mungkahi natin ngayon na maghanda na para ipagtanggol yung ating kalayaan, yung ating demokrasya.
“So iyon ho ang mga dahilan kung bakit napagdesisyunan namin na panahon para ikuwento, hindi yung kuwento ng aking buhay, kuwento ng kasundaluhan, kuwento ng kapulisan at kuwento ng sambayanang Pilipino.”
Ang producer ng pelikula ay ang Borracho Film Productions, Inc. ni Atty. Ferdinand Topacio, na ang Executive Producer ay ang dating DENR Secretary na si Mike Defensor.
Ang direktor ng pelikula, na posibleng isali sa 2024 Metro Manila Film Festival sa Disyembre ay si Lester Dimaranan at co-director naman si Jose Abdel Langit.
***
SINABI naman ni Senator Robin Padilla na noon pa niya nais gawin ang pelikula tungkol sa buhay ni former Senator Gringo Honasan.