Advertisers
Ni Rommel Placente
ENGAGED na si Ryan Bang sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong. After one year na relasyon nila, nag-porpose na siya rito sa mismong kaarawan ng kapatid ni Paola.
“One year na kami. After six months naging kami, naisip ko na.
“Siyempre sobra ako kinabahan. Grabe tibok ng puso ko! Birthday ng kuya niya. Yung last year kasi June 20, may na-upload kami vlog sa pop-up store niya.
“Ngayon may coffee shop siya, baby niya. First store, I wanted to propose there. Kunware nagba-vlog. Closing spiels ako, siya.
“Tapos habang nag-spiels ako, lumuhod na ako. Pagharap niya may singsing na ‘to,” kuwento ni Ryan sa ulat ng ABS-CBN News.
Ayon pa sa komedyante, isa sa mga rason kung bakit niyaya niya agad na magpakasal si Paola at kaya niya nasabi na siya na ang “the one” ay dahil sa pagtanggap at pagmamahal sa kanya ng pamilya ng kanyang fiancèe.
“Ang buhay natin up and down. Na-realize ko mga pinagdadaanan namin. May masayang moments, yung travels. Grabe din paano ako tinanggap ng pamilya ko.
“Grabe yung walang judgment. Paano in-accept ako, family ko, culture ko, pagkatao ko. Alam mo na, eh. Ramdam mo siya na panghabangbuhay mo kasama,”.
Grabe ang kabang naramdaman niya habang nagpo-propose kay Paola pero mas matindi raw ang ginawa niyang pamamanhikan sa mga parents nito.
“Manhikan ako last week sa bahay nila. Ngpaalam ako. Iyon pala pinakamahirap. Di naman ako…noong nakausap ko na magulang, doon masarap na pakiramdam.
“Excited na sila. Na-happy din sila sinasabi ko totoo. Sincere at natupad,”aniya pa.
***
SA guesting ni David Licauco sa Fast Talk With Boy Abunda, marami siyang naging rebelasyon.Bukod sa pag-amin na taken na siya ngayon, ay may iba pang pasabog na sagot ang aktor.
Para kay David, ang ideal age niya sa pagpapakasal ay 35 or 36 at kinikilig daw siya kapag nakikita at nakakasama ang kanyang mga mahal sa buhay.
Mas gusto rin daw ng Kapuso heartthrob ang “kissing over cuddling” at nang tanungin ni Tito Boy kung ano ang kanyang “ideal woman to love is,” ang answer ni David, “Someone who is smart and understanding.”
“Guilty” ang naging sagot ng binata nang tanungin kung naranasan na niya ang makipag-“making out” sa loob ng sinehan at kung may ex-dyowa siyang tinawagan habang lasing.
At nagawa na rin ni David ang makipagkumprontahan sa isang tao nang dahil sa babae at nakatulog na rin daw siya nang hubo’t hubad.
Inamin din niya na may isang aktres siyang niligawan noon pero hindi niya nabanggit kung sinagot ba siya nito o basted.
Natanong din si David, kung paano siya ma-in love noong bata-bata pa siya, “When I was younger, as long as maganda, chinita, at saka masaya kausap…
“So, parang kapag masaya kausap, minsan parang feeling mo in love ka na, e. Kapag bata ka pa, di ba? Feeling ko, dapat swak lang kayo palagi. If it’s hard, goodbye, kapag bata ka,” sabi pa ni David.
Pero ngayon, ibang-iba na raw ang pananaw niya pagdating sa usaping love.
“I think you have to empathize with your partner and for sure marami kasing problema along the way.
“Kailangan mo lumaban, kailangan mo intindihin kung saan nanggagaling yung partner mo.
“So now talaga, mas naging ano ako eh, siguro understanding. Kailangan na noon,” aniya pa.