Advertisers

Advertisers

Nadia nagtapat, alam ng pamilya na may anak kay Baron

0 17

Advertisers

Ni Jimi Escala

ANG Kapamilyang si Melai Cantiveros na raw ang maaring tawaging Comedy Queen of this Generation.

Dahil daw sa nakikitang kagalingan ni Melai sa pagpapatawa.



Kumbaga, sa kanyang mga kapanabayan ay nangunguna si Melai sa naturang larangan.

Pero nahihiya umano ang ko­medyana sa titulong ibinibigay sa kanya ng mga tagahanga. “Thank you so much sa mga nagsasabi. I love you all pero nahihiya ako sa nagsasabi. Sobra akong hiya kasi siyempre ‘di ko naman masabi na ano.



“Sobra akong happy pero para sa akin siyempre ang dami ko pang dadaanan na mga butas bago ko pa makamit ‘yung mga ganyan,” pagpakumbaba pang banggit ni Melai.

May ilang tagahanga ni Melai ang nagsasabing ang komedyana raw ang pwedeng gumanap sakaling gawin ang remake ng pelikulang Ang Tanging Ina.



Pero para pa rin kay Melai ay talagang iniidolo at nirerespeto niya ang nakilalang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

“Hindi natin pwede i-bypass kasi siya talaga madaming napatunayan na talaga. Andyn pa rin naman ang mga kagaya nina Ate Pokie (Pokwang), Ms. Eugene Domingo.

So kung gawin, why not pero sana wala tayo ma-hurt na kasama at mga kaibigan.

“Gawa na lang tayo sarili natin,” giit ng komedyana.

***

HINDI raw itinago ni Nadia Montenego ang anak nila ni Baron Geisler.

Ayon pa kay Nadia sa interbyu sa kanya ni Julius Babao ay hindi raw niya itinago sa mga mahal niya sa buhay ang pagkakaroon niya ng anak sa iba.

“Hindi ko rin ito itinago sa mga mahal ko sa buhay. Hindi ko itinago sa anak ko. Hindi ko itinago kay Boy [Asistio, Jr.]. Hindi ko itinago sa mga kapatid ko,” seryoso pang pahayag ni Nadia.

“In fact, all these years, it was so difficult for people to understand. ‘Bakit kaya sila nagtagal ni Boy? Bakit sila okay ng mga anak niya kung may ganito?’” banggit pa ni Nadia.