Advertisers
Kasunod ng pag-upo ni Senador Sonny Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd), nanawagan si Kabataan party-list Representative Raoul Manuel na ipatigil ang K-12 curriculum sa bansa.
Ayon sa mambabatas, matagal nang ipinatupad ang K-12 program ngunit bigo pa rin umano ito sa pagpapaganda ng kalidad ng edukasyon sa bansa sa kabila ng dagdag gastos at academic load na dala nito.
Aniya, nasasayang lamang ang buwis at lumalala lang ang learning crisis ng mga kabataan dahil dito.
Tiwala si Manuel na makikita at pakikinggan ni Secretary Angara ang matagal nang panawagan na alisin ang programang ito kahit pa isa si Angara sa mga author ng programa.