Advertisers

Advertisers

4 na puganteng dayuhan, inaresto ng BI

0 35

Advertisers

INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) fugitive search unit ang tatlong dayuhan na wanted sa Japan.

Iniulat ng hepe ng BI fugitive search unit na si Rendel Ryan Sy ang pagkakaaresto ng unang tatlong suspects na kinilalang sina Ueda Koji, 27, Kiyohara Jun, 29, at Suzuki Seiji, 29 sa loob ng isang subdivision sa Paranaque City.

Ang tatlo ay naaresto sa bisa ng mission order na ipinalabas ni BI Commissioner Norman Tansingco, matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Japanese government tungkol sa krimen ng mga ito.



Lumilitaw sa record na ang tatlo ay may outstanding warrants of arrest mula pa noong May 2024 na inilabas ng Omiya Summary Court dahil sa kasong Fraud in Violation of the Japanese Penal Code.

Samantala, iniulat din ni Sy ang pagkakaaresto ni Sawada Masaya, 39, na nasa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.



Ayon kay Sy, ang apat na nabanggit na mga pugante ay sinasabing founding members ng isang telecom fraud syndicate na nakabase sa Cambodia na may kasong kriminal kaugnay ng Unlawful Capture, Confinement, Extortion, and Fraud.

Ayon kay Tansingco, ang apat ay nahaharap sa deportation charges dahil sa undesirability.



Samantala, ibinahagi rin ng BI ang pagkakadeport ni Aoi Ikeda, 36, na naaresto noong January 15 sa NAIA Terminal 3.

Si Ikeda ay dineport noong June 26 sa Osaka matapos napatunayan ng BI na siya ay guilty sa paglabag sa immigration laws. Dahil sa kanyang deportation, ang pangalan ni Ikeda ay kasama na BI’s blacklist, at hindi na siya papasukin ng Pilipinas kailanman. (JERRY S.TAN)