Advertisers

Advertisers

Lotlot boto kay Jericho para kay Janine

0 8

Advertisers

Ni Archie Liao

MARAMING okasyon na sighted sina Janine Gutierrez at Jericho Rosales together.

Kaya naman hindi maiwasan ng mga marites na may something na nabubuo sa kanilang relasyon.



Latest na seen sila na magkasama sa isang historical museum kaya naman hindi maawat ang espekulasyon na nagkakamabutihan na ang dalawa.

May mga nagdududa namang nagsasabing pang-promo lang ang pagiging close nina Janine at Jericho lalo pa’t may gagawin silang teleserye.



Kamakailan naman, muling naging usap-usapan ang kinesong tryst ng dalawa sa isang museum.

Nag-post kasi si Janine ng kanyang tour sa nasabing museum minus Echo sa kanyang Instagram.



May caption itong :”Current camera roll.”

Hindi naman napigilang magkomento ni Lotlot de Leon sa post ng anak na si Janine.

*Ah excuse me po.Sino po ang kasama mo nagpunta diyan? Hmmm,” sey ni Lotlot.

Dahil dito, samu’t sari rin ang naging reaksyon ng mga kate-katera sa kanyang komento.

May mga humihirit na boto raw at ibinubuyo ni Lotlot si Echo sa anak.

Ito ang ilan sa sey ng kibitzers.

“Nagroll ang eyes ko pumunta sa likod. Pwede naman magmessage privately sa anak.”

” boto si mother!ceevv”

” kung ako naman si Lotlot boto din ako, ang pogi kaya ni Jericho”

” At tinukso talaga ni mother ang daughter. Hahahaha.”

” if rumors are true, ang hilig naman ni janine sa single dads. she’s worth better.”

” basta annulled na si echo, ok lang yan”

” Hilig niya sa mga red flags ??????”

“Kasama kasi sa cast si madir kaya promo promo din.”

” Reeks promo, sana di nalang sya nagcomment LOL, napapaghalataan tuloy, plus daming spotted in public places, halatang trying hard to sell the tandem LoL”

” jusko nagpapaniwala tlga kau sa date-date emeng promo lols”

” sachruuu. promo promo moves lols.”

Sina Janine at Jericho ay magsasama sa upcoming Kapamilya teleserye na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria under Dreamscape Entertainment.