Advertisers

Advertisers

Tsikboy na si John huli sa akto ng misis na si Pricscilla

0 12

Advertisers

Ni Beth Gelena

FOURSOME sina Barbie Forteza, David Licauco, Maris Racal at Anthony Jennings sa Netflix digital series na Bida/Bida.”
Magkasama ang apat na celebrities sa iisang frame.

Ang BarDa (Barbie-David) loveteam ay umusbong nang magsama ang GMA artists sa Maria Clara at Ibarra at ang MaThon (Maris-Anthony) sa Can’t Buy Me Love.



The four stars were seen meeting up in the series’ elevator, and they were all happy to see each other.

Ang iconic lines ng apat sa kani-kanilang teleserye like “Mama mo,” “Binibining Klay, tinatangi kita,” “Aircon ka, kanal ako,” at “Babu!” ay counterpart nilang sinabi nang word for word, with a delivery that showcases their acting prowess.



Malakas ang impact ng loveteam ng BarDa kung saan kinagat ng netizens ang kanilang team-up na first nangyari kay Barbie.

Bilang Prime Princess ng Kapuso Network ay kung kani-kanino noon pinapareha ang aktres na kahit sa boyfriend niyang si Jak Roberto ay hindi rin umubra.



Pero nang si David na ang nakatrabaho ni Barbie agad na nagkaroon agad sila ng fandom.

Okey naman kay Jak, “He lets his woman shine kahit not with him.”

Samantalang sina Maris at Anthony ay first time pa lang na nagkatrabaho sa CBML, bilang sina Irene at Snoop, pero agad na tumatak sa netizens ang kanilang characters at ginawan sila ng fandom na SnoRene.

Hanggang sinugalan ng kanilang home studio ang team-up ng dalawang celebrity at bida na ngayon sa isang pelikula.

Click daw kasi ang team-up nina Maris at Anthony.

Sa halos araw-araw na nagkikita sina Maris at Anthony ay naintriga pa ang huli na siya ang third party umano sa breakup nina Maris at Rico Blanco na pinabulaanan naman ng kampo ng una.

***

ANGGE WINDANG SA SANLAKSANG BULAKLAK
PADALA NI KIM
Nawindang si Angelica Panganiban sa ipinadalang basket of flowers ni Kim Chiu pagkatapos ng surgery operation ng una.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang IG/X Stories ang lovely basket of flowers na natanggap mula sa Kanyang bestie na si Kim.

Isang napakaganda at napakaraming bulaklak na nakalagay sa basket na halos hindi magkasya sa mesa dahil ang laking space na kakainin.

Ang caption nga ni Angge, “Buti nagkasya sa pintuan namin. Love you momsy @chinitaprincess.”

Hanggang ngayon ay still recover pa rin ang aktres sa kanyang hip operation.

Sey nga ni Kim, “Angge is still recovering her hip surgery, and anything that could her smile might really be welcome”

Isang netizen ang nagtanong, after daw ba ng operasyon ni Angge ay babalik na siya sa pag-arte lalo na sa teleserye?

Namimiss na raw kasi si Angge ng kanyang mga supporters.

Ang huling teleserye na ginawa ng aktres ay ang Walang Hanggang Paalam with Zanjoe Marudo at Paulo Avelino.

Though nagsabi na noon ang aktres na last teleserye na niya ang WHP naniniwala ang netizens na babalik o gagawa pa rin ng teleserye si Angge.

***

USAP-usapan ng netizens ang matapang na komento ng misis ni John Estrada na si Priscilla Meirelles sa post ng aktor kamakailan sa kanyang IG Stories.

Muling lumikha ng ingay si Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles matapos ang kanyang makahulugang komento sa post ng mister.

Sinagot niya ang tanong ng isang netizen kung sino raw kina ‘Lena (Mercedes Cabral) at Marites’ (Cherry Pie Picache) ang kasama ni ‘Rigor’ (John).

Sinagot ni Priscilla ito sa pamamagitan ng pagbanggit ng IG handle na Lily Hallman_ kalakip ang isang laughing emoji.

Aniya, “Looking very divorced Mr. Estrada @Lily Hallman_”

Ang matapang na mga komento ni Priscilla ay agad na naging usap-usapan sa social media, na siyang nagdulot ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizen.

Sa kasalukuyan, naka-off na ang comment section ng post na ito ni John Estrada at hindi na makita ang komento ng former beauty queen.

Base sa mga post ni Priscilla sa social media, nasa abroad siya kasama ang anak nila ni John na si Anechka.

Hanggang ngayon ay tila hindi pa tapos ang isyu sa mag-asawa ng mga nakaraang buwan.

Patuloy ang usap-usapan tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila lalo na’t tila may mga pahiwatig si Priscilla sa kanyang mga komento at posts. Sa kabila ng mga haka-haka, wala pang opisyal na pahayag mula kina John at Priscilla ukol dito.