Advertisers
Patuloy ang San Miguel Brewery Inc. (SMB) sa paghahatid ng saya sa pamamagitan ng mga inumin nito. Lalo pang ginawang kapanapanabik ang pagbukas ng bawat bote dahil sa papremyong matatagpuan sa ilalim ng tansan ng San Miguel Beer.
Simula sa darating na Hulyo, pasisiyahin ng SMB ang mga tagasuporta ng San Miguel Beer dahil sa SAN MIGUEL BEER TANSANKATUTAK PANALO under-the-crown promo. Mas pinalaki at mas pinarami ang mga papremyong umaabot hanggang Php100 milyong halaga ng pwedeng mapanalunan.
Mas kapanapanabik ang pag-inom ng San Miguel Beer dahil sa pagkakataong manalo ng mga Toyota Zenix Hybrid Electric Vehicles, Yamaha NMAX motorcycles, at Samsung A15 5G smartphones. Maaari din mag-uwi ang mga tagasuporta ng giveaways kagaya ng SMB jackets, shirts, at marami pang produkto ng San Miguel Beer.
Upang makasali (1) Bumili lamang ng bote ng kahit anong participating SMB brand (San Miguel Pale Pilsen, Red Horse Beer, Red Horse Super, San Mig Light, San Miguel Flavored Beer, at Gold Eagle Beer); (2) Buksan ang bote at tignan ang ilalim ng tansan, at (3) I-redeem at manalo ng papremyo.
Pinasasaya lalo ng SMB ang pag-inom ng mga paborito nitong beer dahil sa dami ng pagkakataong manalo sa SAN MIGUEL BEER TANSANKATUTAK PANALO under-the-crown promo. Ang promo ay tatakbo mula Hulyo 1, 2024 hanggang Disyembre 31, 2024.
Para sa iba pang promo at updates i-like at i-follow ang San Miguel Beer sa Facebook (www.facebook.com/sanmiguelbeerphilippines) at sa Instagram (www.instagram.com/sanmiguelbeerph).