Advertisers

Advertisers

GMA’s Annette Gozon-Valdes Bibigyang Parangal sa 2nd PFBA; JM Yosures Bilang Antonio Luna sa Juan Luna The Musical

0 67

Advertisers

No Oggie Medina

ANG 2nd Philippines Finest Business Awards & Outstanding Achievers 2024 ay mas kapanapanabik sa taong ito dahil bibigyang pagkakilala ang mga natatanging indibidwal at kumpanya.

Isa na rito ang larangan ng entertainment industry. Kabilang sa bibigyang pagpupugay ay ang mga Sparkle GMA Artists na kinabibilangan nina Ken Chan, Julie Ann San Jose, Rita Daniella, Rayver Cruz, Anthony Rosaldo, Ruru Madrid, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Barbie Forteza, Ashley Sarmiento, Marco Masa, Allen Ansay, Sofia Pablo, Boobay, at Sparkle GMA Artist. Pati na rin si UP College of Law lecturer Atty. Annette Gozon-Valdes, ang pangulo ng GMA Worldwide, Inc. at GMA Network Films.



Gayundin ang mga nasa larangan ng pagbabalita’t pagpapahayag, tulad nina Annabelle Surara, Wej Cudiamat, Dennis Antennor Jr., Braggy Braganza, Earlo Bringas, Audrey Gorriceta, DJ Mama Colleen, Papa Marky, DJ Kuya Machete, Usec. Robert Rivera, Nerlyza Eliza Francisco Rivera, 97.9 Home Radio, Aliw Channel 23, DWIZ-AM, Media House Express, The Metropolista, Rise and Shine Pilipinas, Light TV, at Win Radio.

Sa larangan ng musika ay nariyan sina Lae Manego, Dylan Menor, Merjohn Lagaya, George Sison-Tagle, The Flippers (3rd Gen.), Carmela Betonio, The Voice Academy of the Philippines Inc., at RTU Himig Rizalia.



Ang iba pa ay nasa larangan ng negosyo o entrepreneurship at propesyonalismo, tulad nina Salvacion Paparon, Bhinky Reyes, CPA Shirley Belangel, mga photographer Miller Daniolco, Jamin Lim at Bhon Jheo Exconde, Janice Israel Delima Tentler, Judge Tarcelo Sabarre Jr., Jeffrey Dy, at Sara Luningning Medina.
Ang PFBA ay inorganisa ng La Visual Corporation at SIRBISU Channel na gaganapin sa The Hexagon Events Place sa Quezon City sa Setyembre 8, 2024.

***



MISMONG si director Vince M.Tanada ang nag-anunsiyo na si JM (Jann Mar) Yosures at Jomar Tanada Bautista ang gaganap na Antonio Luna sa susunod na pagtatanghal ng Philstagers sa mundo ng entablado. Ito’y ang Juan Luna The Musical.

Kung matatandaan si JM ang nagwaging grand champion sa It’s Showtime’s Tawag ng Tanghalan Season 4 ng ABS-CBN, at madalas ko siyang makita sa PSF Blackbox Theatre upang maghandog ng awit. Napanood ko na rin siya sa concert ni Randy Santiago at mahusay ang pag-awit niya roon.

Si Jomar Tanada Bautista ay beterano na sa daigdig ng entablado na hinubog ng maraming pagtatanghal ng Philstagers. Nasaksihan ko siya kung gaano siya kahusay umawit at umarte.

Bibida bilang Juan Luna ay si Johnrey Rivas, ang kasalukuyang pangulo ng Philippine Stagers Foundation.