Advertisers
Ni Rommel Placente
NAKAGAWA na rin naman ng gay role si Enchong Dee sa pelikuang Here Comes The Groom, kung saan talagang pinuri ang akting niya rito.
Kaya naman kung may offer sa kanya para sa isang BL (Boy’s Love) project, game siyang gawin ito, kung talagang maganda at makaka-inspire sa mga manonood.
Kuwento ng aktor, bago pa man nauso ang mga BL series sa Pilipinas, may naisip na raw siyang tema at konsepto noon para gawing pelikula.
Nai-pitch pa nga raw niya ito sa isang kaibigang executive, ngunit hindi nag-materialize. Sey ni Enchong, baka raw hindi pa iyon ang tamang panahon para gumawa siya ng BL project.
At kung papipiliin sa mga sikat at magagaling na aktor sa bansa para makasama sa proyekto, nabanggit niya ang pangalan nina Jericho Rosales, Dingdong Dantes, Piolo Pascual at Alden Richards.
Samantala, todo pasalamat pa rin si Enchong sa pagkapanalo bilang Best Supporting Actor sa 7th The EDDYS Awards Night para sa pelikulang “GomBurZa.”
Sabi ni Enchong, “Being part of Gomburza is already such a win, simply because andaming magagandang bagay na sunud-sunod na nangyari after GomBurZa…from Cedrick (Juan), to Tito Dante (Rivero), to Piolo (Pascual), to myself, panalung-panalo na siya.”
Para kay Enchong, malaking karangalan sa kanya ang manalo ng best supporting actor, “To be recognized by, specifically by the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ang laking bagay kasi ito yung mga taong kaakibat mo, everytime na nag-po-promote ako.
“So, it matters to me kasi these are the people na kasama namin when it comes to spreading the words with our new projects.
***
ITAN ROSALES PASEKSI NA,
AKSIYON PA
MASAYA kami para sa alaga ng 3:16 Media Network ni Ma’am Len Carrillo na si Itan Rosales dahil sa ganda ng takbo ng kanyang career. Sunud-sunod ang paggawa niya ng pelikula.
Natapos niya na gawin ang Hiraya mula sa 3:16 Media Network sa direksyon ni Sidney Pascua na palabas na ngayon sa Vivamax, at ang Kaskasero na launching movie niya mula pa rin sa 3:16 Media Network.
And soon ay magsisimula na siyang mag-shoot para sa Uhaw with VMX Queen Angeli Khang and VMX Princess Ataska.
“Sobrang nakakabigla po itong atensyon na ibinibigay po sa akin. Nakaka-pressure din! Pero ginagawa ko lang naman po kung ano ang hinihingi sa akin sa mga projects ko,” sabi ni Itan nang makausap namin after ng show ng grupo nila na VMX V last Saturday sa Viva Cafe.
Maipagmamalaki ni Itan ang Kaskasero dahil aniya, first time lang magkakaroom ng ganitong pelikula sa Vivamax, na mala-Fast & Furious ang dating.
“Etong movie namin na Kaskasero, ngayon lang magkakaroon ng ganitong genre sa Vivamax na parang ang peg ay mala-Fast & Furious, may action po talaga na mapapanood dito, like yung mga car racing.
“Para po akong si Paul Walker dito sa movie. Biro nga nila, dapat mas astig, kaya Paul Runner (at hindi lang Paul Walker) ang dapat na maging peg ko, hahaha!”natatawang sabi pa ng gwapong aktor.
Pagpapatuloy niya,”Ang kapartner ko po rito ay sina Christine Bermas at Angela Morena. Sobrang gaan nila katrabaho, sobrang professional, sobrang bait, and sobrang welcoming nila.”
“Siyempre po may churbabahan dito, sa Vivamax po ito mapapanood, e, hahahaha!” natatawa ulit na sabi ng gwapong aktor nang usisain namin kung may mga maiinit na love scenes ba sa kanilang movie.
Although gumagawa ng mga sexy movies si Itan pero may limitasyon pa rin siya.
“May limitation pa din naman po. Kaya ko naman yung mga daring roles, pero hanggang do’n lang muna na may maiiwan pa rin sa imahinasyon ng mga manonood.