Advertisers

Advertisers

4 JAPANESE NATIONAL NA SANGKOT SA ‘ TELECOM FRAUD ‘ TIMBOG SA NCRPO AT BI

0 10

Advertisers

APAT na Japanese nationals ang nasa kostudiya ngayon ng Bureau of Immigration (BI) sa BI Detention Facility, Camp Bagong Diwa sa Taguig City dahil sa ibat- ibang kaso.

Ang suspek na kinilalang si Sawada Masaya 43 years old ay inaresto ng mga operatiba ng Bureau of immigration at NCRPO operatives dahil sa kasong kinakaharap nito sa kanilang bansa.

Sa report ng NCRPO ang pag aresto kay Masaya ay nagbunga dahil sa warrant of arest na inisyu mula sa Omiya Summary Court sa Saitama Prefecture para sa kasong telecom fraud. Siya ay naaresto sa Ninoy Aquino International Airport ( NAIA ) Terminal 3 pagdating nito galing Cebu City.



Samantala sa kaparehong araw din naaresto sa Parañaque City ang tatlo pang Japanese National na sina Seij Suzuki (29), Koji Ueda (27), at Jun Kiyohara (29) parehong may warrant of arrest dahil sa kasong telecom fraud.

Ayon sa immigration ang apat na dayuhang suspect ay pinaniniwalaang miyembro ng isang specialized fraud group na nakabase sa Cambodia. (JOJO SADIWA )

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">