Advertisers

Advertisers

1,200 Chinese nat’ls naisyuhan ng birth certificate sa Davao

0 12

Advertisers

TALAGANG naging factory na ang Davao ng mga pekeng dokumento para sa Chinese nationals na nagtatrabaho sa mga iligal na POGO hub sa Pilipinas.

Sa patuloy na pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigation (NBI), nabuking na 1,200 Chinese nationals ang naisyuhan ng mga pekeng birth certificate ng munisipyo ng Santa Cruz, Davao del Sur.

Unang napaulat na 200 Chinese nationals lang ang naisyuhan ng pekeng birth certificate. Pero sa masusing pagsisiyasat ng NBI, natuklasan na 1,200 ang nabigyan ng mga hukos-pukos na birth certificate, para kunwari’y Filipino citizen at malayang makapagtrabaho sa mga iligal na POGO, na karamihan ay pinatatakbo ng Chinese criminals.



Nangyari ang lahat nang ito nang mahalal na pangulo ng Pilipinas si Rody Duterte noong 2016, naging simula ng pagkalat ng mga iligal na POGO sa bansa at pagdagsa ng mga Chinese drug lords, na ang ilan ay “kumpare” ng dating Pangulo at nabigyan pa ng puwesto sa nakaraang administrasyon.

Sa tala ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), halos 300 POGOs ang nag-operate sa bansa noong panahon ni Duterte.



Nabawasan ito nang mahalal si Pangulong “Bongbong” Marcos noong 2022, nasa 50 nalang daw ito ngayon.

Iminungkahi sa Kongreso na ipasara na ang mga POGO ng mga Chinese dahil naging pugad na ito ng kriminalidad tulad ng illigal gambling, droga, human smuggling, at mga pang-aabuso.



Sa patuloy na pag-iimbestiga ng Senado, nabunyag na ang mga nasa likod ng iligal na POGO ay mga kaanak o kaibigan ng dating adviser ni Duterte na si Michael Yang, na sinasabing isa ring drug lord at sangkot din sa Pharmally scam, ang maliit na hindi kilalang kompanya na nakakuha ng bilyones na halaga ng kontrata sa gobyernong Duterte during Covid 19 pandemic.

Ang mga kaibigang ito ni Duterte ay cannot be found na. Parang si Apollo Quiboloy lang. You know!!!

***

Sasakupin na talaga yata ng China ang buong West Philippine Sea (WPS).

Ang kanilang pinakamalaking China Coast Guard ship, na sinasabing pinakamalaki sa buong mundo at kung tawagin ay “The Monster” ay nakahimpil na sa Escoda (Sabina Shoal) sa WPS mula pa July 3, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard.

Ayon sa PCG, nasa 638 yards lang ang layo ng barkong ito mula sa port quarter ng BRP Teresa Magbanua ng PCG.

Bukod sa The Monster, higit 50 barko pa ng CCG at China Navy ang nakakalat sa WPS, ang iba pumapasok na mismo sa teritoryo ng Pilipinas. Tila naghahamon na ng giyera ang China.

Wala namang magagawa rito ang ating Armed Forces of the Philippines, tinga lang kanilang firepower kumpara sa China.

Ang inaasahan lang dito ng Pilipinas ay ang tulong ng Amerika at ibang kaalyadong bansa. Kung wala ang mga ito, malamang binomba na ng China ang BRP Sierra Madre! Magdasal nalang tayo na himala vs China warships.