Advertisers
BOLUNTARYONG sumuko sa mga otoridad ang salarin sa pagpatay sa tatlo katao sa Lake Hotel sa Tagaytay City, Cavite noong July 10, 2024
Kinilala ang mga pinaslang na sina David James Fisk, isang Australyano; Lucita Barquin Cortez; at Jane Adra Cortez.
Sa report ni Cavite Police Provincial Director, Colonel Eleuterio M. Ricardo Jr; kay Calabarzon PRO 4A Regional Director, Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, kinilala ang salarin na si alyas “Ronnel”, 33 anyos, dating empleyado ng nasabing hotel, at residente ng Amadeo, Cavite.
Itinurn-over ni Tuy Mayor Jose “Jay” Cerrado kay Mayor Abraham Tolentino ng Tagaytay City at sa mga pulis ng Cavite ang salarin.
Ayon sa salarin, nagawa niyang paslangin ang tatlong guest na biktima sa kaniyang pinagtrabahuhan na hotel bilang ganti nito sa management ng hotel dahil sa pagtanggal sa kanya bilang empleyado.
Nakakulong ang salarin sa Tagaytay City Holding and Custodial Facility at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.(Koi Laura)