Advertisers
INIULAT ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) na mahigit 6, 000 pulis ang nasampahan na ng kasong administratibo sa ilalim ng administrasyong Marcos, Jr.
Ayon kay IAS Inspector General, Atty. Brigido Dulay, mula July 2022 hanggang July 2024 nasa 6,256 pulis ang nabigyan na ng rekomendasyon sa iba’t ibang mga parusa.
Sa naturang bilang, 2,551 ang nabigyan ng sintensya kungsaan 572 ang inirekomendang sibakin sa serbisyo, 260 ang inirekomendang i-demote at 1,418 ang inirekomendang masuspinde.
Samantala, ang nalalabing bilang ay binigyan ng mas magaang parusa.
Paliwanag ni Dulay, nakitaan ang mga pasaway na pulis ng simple misconduct, simple dishonesty, simple irregularity, simple neglect of duty, less grave neglect of duty, less grave misconduct, conduct unbecoming of police officer at iba pang paglabag.(Mark Obleada)