Advertisers
LUMITAW na kampeon ang Filipina tennis star Alex Eala at Estella Cascino ng France sa women’s doubles sa Internationla Tennis Federation (ITF) Women’s 100 Tennis Tournament sa Vitoria-Gasteiz, Spain.
Sa panahon ng doubles finals Sabado, Dinispatsa nina Eala at Cascino ang pares nina Lia Karatancheva ng Bulgaria at Diana Marcinkevica ng Latvia sa 3-set finish, 6-3, 2-6, 10-4.
Sa kabila ng dominante sa first set, Eala at Cascino ay nahirapan sa second set sa kanilang karibal, pero mabilis na nakabawi sa sumunod na frame.
Ikalawang pagkakataon na ang Filipino-French tennis pair ay nagwagi ng sabay na double title, matapos magtagumpay sa ITF Open 3C Seine-et-Marne women’s doubles tournament sa France nakaraangMarso. Ito rin ang Pangatlong doubles title ni Eala sa 2024, Nagkampeon rin siya sa Deccan Women’s Doubles Tournament sa Pune, India kasama ang Latvian Darja Semenistaja.