Advertisers

Advertisers

Tapat ng opisina ng kongresista, tinaniman ng granada

0 4

Advertisers

Natagpuan ang isang fragmentation grenade sa tapat ng opisina ni Abra lawmaker Menchie Bernos sa Bangued, noong Sabado ng umaga.

Ayon sa Bangued Police, dalawang utility workers na tagalinis sa lugar ang nakadiskubre ng granadang hindi pa pumuputok 8:00 ng umaga.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya kung sino ang nag-iwan ng nasabing bomba sa harap ng BBM building sa Zone 5, Bangued, Abra.



Nadatnan ng mga rumes­pondeng personnel ng Provincial Explosive and Canine Unit (PECU) ang bomba na nasa tabi ng plant box na nagsasagawa ngayon ng assessment.

Nabatid na ginamit ang nasabing gusali noon bilang campaign headquarters ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ngayo’y ginawang Congressional District Office ni Rep. Bernos.



Magugunita na noong Huwebes, hinagisan ng granada ang bahay ni La Paz town municipal administrator Perfecto “Pope” Bolos Cardenas sa Rizal Street, Zone 6, sa Bangued.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente, bagama’t ipinalalagay na dahil ito sa pulitika dahil sinasabing pinupuntirya ni Bolos ang mayoral post sa Bangued laban sa apat na posibleng contenders.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">