Advertisers

Advertisers

ANIM ANG NASAWI SA RIZAL DULOT NG BAGYONG LUIS, MAYMAY AT HABAGAT!

0 4

Advertisers

Umaabot sa anim (6) katao ang nasawi sa lalawigan ng Rizal dulot ng pinagsamang epekto ng Bagyong Luis, Maymay, at pinalakas na Habagat.

– Sa Rodriguez, Rizal: Isang 22-anyos na kababaihan ang nasawi matapos matabunan ng gumuhong bato sa Wawa.



– Sa Antipolo City: Isang rider ang namatay matapos nabagsakan ng puno at poste ng kuryente sa Zigzag Road habang may malakas na ulan at hangin; isang 48-anyos na lalaki ang nalunod; isang 28-anyos na lalaki ang nakuryente; at isa pang lalaki ang nasawi sa pagguho ng lupa.

– Sa Binangonan, Rizal: Isang lalaki naman ang naitalang nalunod sa kasagsagan ng bagyo. (Edwin Moreno)