PINATALSIK ng National University ang University of Perpetual Help System Dalta,25-21,22-25,25-14,25-22,sa Paco Arena sa Manila.
Michaelo Buddin at Leo Aringo Jr. umiskor ng tig-17 points para sa UAAP champion Bulldogs.
“Some of our players are new, they are still gelling. But the system is already there,” Wika ni assistant coach Dong Dela Cruz pagkatapos ng laro.
“We had so many unforced errors. Our errors gave them the momentum.”
Ang reigning NCAA champion Altas nag rally mula sa 13-17 para itabla ang iskor s 20-all sa fourth set.
Sumaklolo si skipper Leo Aringo Jr. umiskor ng tatlo sa five point ng NU para tapusin ang laban matapos ang isang oras at 48 minutos.
Jan Llanfred nagdagdag ng 16 points, kabilang ang four blocks at two aces, para sa Bulldogs, na nakakuha rin ng 14 points, seven blocks kay Obed Mukaba.
Kobe Tabuga pinamunuan ang opensa ng Perpetual sa 13 attacks, habang si Jefferson Marapoc bumakas ng five points.
Makakatagpo ng NU ang Emilio Aguinaldo College sa Agosto 4, habang ang Perpetual makakaharap ang Colegio de San Juan de Letran sa Agosto 7.
Samantala, Dinaig ng Far Eastern University ang University of Santo Tomas,32-30,27-29,25-17,25-20, a ibang laro.
“They just want to fight; they just want to win. I hope this will continue. I always tell them, we have to be thirsty for the game so we have to win every match,” Sambit ni FEU head coach Eddieson Orcullo.
Pinamunuan ni Mikko Espartero ang Tamaraws sa iniskor na 16 points,habang si Zhydryx Saavedra may 14 points.
Rey Miguel de Vega umiskor ng 16 points para sa Golden Spikers, Jay Rack dela Noche nagdagdag ng 13 points, at Edlyn paul Colinares may 12 points.