Advertisers

Advertisers

Interpol at ICC arrest warrant vs Duterte

0 17

Advertisers

MUKHANG walang kawala si dating Pangulo Rody Duterte at kanyang mga dating opisyal na sangkot sa pagpatupad ng “pekeng” war on drugs na kumitil ng umano’y mahigit sa 30K katao, kapag nag-isyu ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC).

Sa tuno ng pananalita ni Justice Secretary “Boying” Remulla nang tanungin ng media sa isang press briefing sa Department of Justice nitong Huwebes, sinabi niyang hindi nila maaring harangin ang International Police (Interpol) kapag ipinatupad rito ng ICC ang arrest warrant laban kina Duterte.

Ito’y dahil ang Pilipinas ay miyembro ng Intepol.



Gayunpaman, ang Interpol ay hindi naman sila ang aaresto sa naisyuhan ng arrest warrant kundi mag-iisyu lamang ito ng ‘Red Notice’ laban sa mga taong dapat arestuhin. Ang law enforcements parin ng Pilipinas ang aaresto sa naisyuhan ng Interpol red notice.

Eh hindi narin maayos ang relasyon ng pamunuan ng pambansang pulisya sa Dutertes dahil sa ginagawang pambu-bully ng mga ito kay PNP Chief, General Rommel Marbil; lalo na kay Pangulong Marcos, Jr.



Sabi ni dating Senador Antonio Trillanes, ang ICC ay maaring maglabas ng arrest warrant laban kay Duterte at iba pang nasa likod ng brutal na war on drugs bago matapos ang taon.

Inamin ni Sec. Remulla na sumulat na sa kanila ang ICC prosecutor para imbestigahan ang limang indibidwal na isinasangkot sa pagpatupad noon ng war on drugs. Hindi tinukoy kung sino ang limang ito. Pero sinabi ni Trillanes sa kanyang posy sa X na sina dating PNP Chief ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, dating PNP Chief Oscar Albayalde, dating CIDG Director Romeo Caramat Jr., dating PNP Intel chief Major Gen. Eleazar Mata, at ex-Napolcom commissioner Edilberto Leonardo.



Giit naman ni Abayalde, walang kapangyarihan ang ICC mag-imbestiga sa Pilipinas dahil hindi na miyembro ng ICC ang bansa at umiiral naman aniya ang batas dito. Pero kapag inutos aniya ng DoJ na magpaimbestiga sila, nakahanda naman siyang sumunod. Ganun naman pala eh. Hehehe…

Si Sen. Bato naman, hindi raw sita natatakot. Hindi raw siya pahuhuli ng buhay. Mag-ala-Pastor Apollo Quiboloy at Col. Gerald Bantag narin siya.

Si Digong kaya? Baka sumakay nalang ito sa wheelchair tulad ng nangyari noon kina ex-Pres. Erap Edtrada at ex-Pres. Gloria Arroyo na hindi na nakalakad nang maisyuhan ng arrest warrant sa Plunder cases.

Speaking of Plunder case, nakatakdang sampahan ni Trillanes ng kasong ito si Duterte kaugnay ng katiwalian sa pagbili ng mga gamit ng Navy warship noon.

Ang kontrobersiyang ito ay inimbestigahan noon ng Senate Blue Ribbon Committee pero at the end ay wala ring nangyari. You now!!!

Maliban dito, sinampahan din ni Trillanes sa DoJ ng smuggling ng illegal drugs ang anak ni Duterte na si Davao City 1st District Representative Paolo o “Polong”, kanyang manugang na mister ni VP Sara na si Manases Carpio, dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon, drug lord Charlie Tan at ilan pa kaugnay ng nasamsam na P6.4 shabu sa isang warehouse sa Valenzuela City, na lumalabas na ang mga nasa likod ay dabarkads ng mga anak ng dating pangulo.

Inimbestigahan din ng Senate Blue Ribbon ang kasong ito, pero tulad ng nangyari sa imbestigasyon sa Navy warship, nabalewala lang din ang mga ebidensiya.

Pero ngayong iba na ang administrasyon, binuhay ni Trillanes ang mga naturang kaso at mukhang magkakaroon ng hustisya, makukulong ang mga korap na opisyal ng nakaraang administrasyon.

Bira, Trillanes!!!