Advertisers

Advertisers

Hindi mabubura ang kaso ni Quiboloy

0 47

Advertisers

TINUTULIGSA ng mga supporter ng wanted na si Apollo Quiboloy, founder ng religious group Kingdom of Jesus Christ (KOJC), ang pamunuan ng Philippine National Police at si Pangulong “Bongbong” Marcos dahil sa mga kinakaharap na kaso ng dating presidential spiritual adviser ni Rody Duterte.

Walang tigil sa pagsagawa ng kikos protesta ang grupo sa Davao at sa Maynila. Sigaw nila: Inosente ang kanilang dakilang Pastor Quiboloy sa mga kasong human trafficking at sexual abuse sa loob at labas ng bansa.

Si Quiboloy ay wanted sa mga kasong sexual abuse o rape sa korte ng Davao City at Pasig City. Pero ang kaso niya sa Davao RTC ay inilipat sa Quezon City RTC. Wanted din siya sa Kongreso dahil sa hindi pagsipot sa mga pagdinig.



Bukod dito, wanted din si Quiboloy sa Amerika.

Hanggang ngayon ay nagtatago si Quiboloy, hindi makita-kita ng law enforcements.



Sabi ng Bureau of Immigration, hindi pa nakalalabas ng bansa si Quiboloy.

Naglabas ng P10 million reward ang gobyerno para sa magtuturo at ikahuhuli ni Quiboloy.



Pero nagyabang pa ang supporters ni Quiboloy. Dodoblehin daw nila ang reward, P20 million, sa makapagtuturo at makahuhuli sa kanilang “Diyos”.

Oras mismo ay ibibigay nila ang P20 million sa makakaaresto kay self-proclaimed “Son of God” ay nagsabing siya ang may hawak ng “susi para makaakyat sa langit.”

Kung tunay na inosente si Quiboloy sa mga inaakusa sa kanya, makabubuti na harapin niya sa korte ang mga nag-aakusa. Dahil hindi matutuldukan ang kaso niya, mananatili siyang wanted sa batas hangga’t hindi nagkakaroon ng paglilitis ang mga kaso laban sa kanya. Ito ang dapat ipanawagan ng kanyang mga supporter sa kanya: Harapin ang mga nag-aakusa sa korte. Period!

Kung iniisip ng mga supporter ni Quiboloy at ni Quiboloy mismo na mabubura ang kaso niya kapag wala na si Presidente Marcos at isang Duterte uli ang Presidente ay nagkakamali siya. No one is above the law. Mabubura lamang ang isang kaso kapag nadesisyunan na ng hukuman.

At dapat itanim sa kukute nitong mga supporter ni Quiboloy na hindi si Pres. Marcos, Jr ang nagkaso sa kanilang “Diyos”. Ang kaso ni Quiboloy ay nangyari na si Rody Duterte pa ang pangulo. Kaya ‘wag nilang sisihin si PBBM sa paglagay kay Quiboloy sa ‘most wanted persons’.

Dapat ding maliwanagan itong supporters ni Quiboloy tungkol sa tatlong branches ng gobyerno na hindi maaring magsaklawan, ang Executive, Legislative at Judiciary.

Kung tutuusin, majority ng nakaupong huwes ngayon ay mga appointee pa ni Duterte, iilan palang ang kay Marcos dyan. Kung hindi ako nagkakamali, mga appointee pa ni Duterte ang mga huwes na nagpa-wanted kay Quiboloy. See!!!

Again, para sa supporters ni Pastor Quiboloy, hikayatin ninyo ang “Diyos” ninyo na harapin ang mga nag-aakusa sa kanya sa korte, kesa hamunin n’yo pa ang pulisya na magbibigay kayo ng P20 million sa makakaaresto sa kanya, baka madisgrasya pa yan sa operasyon ng law enforcements. Mismo!

***

Binuking ni Brigadier General Nicolas Torre, PNP Region X1 director, na itinatago ang mataas na crime rate sa Davao City, lungsod ni Mayor Baste Duterte. Dalawang logbook daw ang ginawa rito, ang mababang crime rate yun ang ibinibida.

Pinalitan ni Torre lahat ng opisyal sa Davao City PNP na “sumasahod” sa tanggapan ng alkalde.

Ang kasalukuyang hepe ng Davao City ay ang kontrobersiyal na si Hansel Marantan. Let’s see kung anong mababago niya rito sa lungsod ng mga Duterte. Subaybayan!!!