Advertisers

Advertisers

Evacuation site ginawang drug den

0 19

Advertisers

SINALAKAY ang dalawang kuwarto ng temporary shelter ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa
nang mabistong ginagawa itong drug den, Sabado ng madaling-araw.

Nadakip ang mga tulak at drug addict na sina Roger Flores alyas Kibor, 47 anyos; Cris Dayap, 30; Baby Delfin Constantino, 31; Charlene Pomar Baillo, 32; at Roldan Pueson alyas Dax, ang drug den maintainer.

Ang parokyano sa drug den na sina Jamil Maurucio, 27; Ferlyn Gabriel, 22; Diane Bragais, 33, pawang dayo sa lugar.



Ang nakuhang droga sa unang kuwarto ay 11.81 gramo na nagkakahalaga ng P48,480, at iba pang drug paraphernalias.

Sa ikalawang bahay, nasa 13.13 grams ng shabu (P53,898.65) ang nakuha at ibat-ibang uri ng non drug evidences.



Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search and seizure operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Palawan, Puerto Princesa City Police Office, Regional Police Drug Enforcement unit, at iba pa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">